Saturday, July 17, 2010

Diretso lang!

Hindi ko masasabi na sanay ako sa hirap ng buhay. Hindi ko rin masasabi na lumaki akong maginhawa. Sakto lng. Matapos kong mag tapos sa sintang paaralan, marami akong naiisip ng mga pangarap. Marami akong nakikitang pag-asa. Ngunit ng simulan ko na ang paghahanap ng mapagkakakitaan, unti-unti ko rin na kita ang katotohan! Na ang pangarap ay pwedeng pangarap lng talaga. Na ang pag-asa, ay nakalubog sa kumunoy na mahirap makuha. Sa tuwing sinusubukan ko umabante, marami ang humigit sakin pabalik. Mga kakulangan na ngayon ko lng nakita at na pukaw. Ngayon hindi ko alam kung pano pupunan ang mga yun. Maraming bumabagabag, maraming mga bagay na sa palagay ko ay humaharang.

Isang pakiramdam ko ang laging bumabalik sakin. Ayokong kaawaan. Gusto ko patunayan ang sarili ko. Ito ang nagpapanatili sakin. Pero sapat na to??? Tingin ko hindi. Hindi sapat yan. Ano pa ang kulang? May makakapag sabi ba sakin?

Umalis ako sa bahay na kinalakihan ko. Dumalaw sa malayo, hindi alam kung hangang kelan. Nag hahanap ng bagong pag-asa na hdi nakalubog sa kumunoy. Sana may makita. Umaaasa.

Pero kahit anong mangyari, kung ano man ang kalabasan ng pag hahanap kong ito. Isa lng ang rutang tatahakin ko. Diretso lng hanggang sa masalubong at mabangga ko ang hinahanap ko.

--------------------- -------------------- ------------------- ------------------ -----------


4 comments:

yoomie said...

pre..kaya mo yan!!!!..don't lose hope!!!...my pag asa pa...

andito ang blogmates mo...:)

Random Thoughts said...
This comment has been removed by the author.
Random Thoughts said...

hahahaha..

pre, nagyon ko lang toh nabasa.. ang galing naman.. ka2gawa ko lang ng entry kagabi at magkadugsong ang mga entry naten.. parehas tayo ng feelings.. siguro kung may isang taong talagang naka2intindi saken ngayon, ikaw yun kasi parehas lang tayo ng nararamdaman.. ang galing.. bloggers think alike!.. haha.. nice..

konting tiis na lang pre.. mararating din naten ang gusto nten! go, go, go!

^___________________^

precious paez said...

hehe.. ang tagal q nang nagawa to eh... move on n aq!!!

hahahahha....