Saturday, May 15, 2010

Dito po sa aking...pagtatapos

APUNTAR...FUEGO!!!

BANG!!!!

Bumagsak. Patay. Wala nang buhay. Ang pagtatapos ng buhay estudyante ng mga 4th year students sa sintang paaralaan.

MAy 7, 2010

Umaga ang graduation namin. Umaga, 7 am dapat andun na. Matapos kong masanay na gumising ng late?! Lagot, pahirapan na naman sa paggising.(tsk...tsk...) Eh, hindi pa naman ako nakatulog agad nun gabi! Excited kasi. (hehehehe..) Ayun, late ako! Este, "akala ko" late ako. naabutan ko pa yung mga classmate ko na nagpipicture taking!! (Yes, buti umabot p! hehe..)

Bago ko pa isuot ang toga ko, maglagay ng corsage, ngumiti muna ako sa harap ng camera. (smile..click..) Habang busy na busy kami sa pag capture ng moments, hindi namin napansin ang pagdating ng isang kontrabida! Si Tandang Milrong!!!!

Tandang Milrong: BSIOP 4-1!! Ano pa ga iyan? Tama na yan. Pumila na kayo dun sa taas.
Agad naman naming sinunod. (Ang bati namin.) Umaakyat kami ng 4th floor. Grabe, ang taas, nakaheels pa naman ako.

Tandang Milrong: Eh talaga naman. Ga-graduate na at lahat, mga pasaway pa rin kayo.

HAbang umaakyat, sa sobrang init, kahit hindi kami magkakalapit pakiramdam ko nagsisiksikan kami.

Akyat.. Akyat...Akyat...4th floor..sa wakas..

Kwentuhan.. tawanan.. picture taking...
Kwentuhan.. reklamo.. picture taking...
Paypay dito.... punas ng panyo.....
Mukha nang wasted... picture taking...
retouch.... picture taking!

Sari-saring itsura, sari-sairng ayos! May bongga.. may simple...makapal ang make-up... may wala....oily at pawisan.. may parang hindi naiinitan.. may nakasimangot...nakangiti...may ngarag...meron kayang kinakabahan?? Parang wala akong na pansin.

Student (1st/F): Magsisimula na!
Student (2nd/F): Maglalakad na!
Student (3rd/F): Tara na!
Student (4th/F): Baba na tayo!!
OA? hehehe...

OK, baba na. Aknya-kanyang hanap ng mga kasunod sa pila.
Step one, picture...step two, picture....step three, kita pa ba ako?!
ADIK...

Nasa baba na ulit. Nagkalat ang mga paparazzi!!! (mamaya ang tubos, 50php..hehehe..) HAyyy.. nakainip! Pinagsama kasi sa iasng list ang 3 section ng IOP. Kaya iyon, napapaligiran ako ng mga taong di ko kilala. Hindi pa naman ako maboka.

At dahil napansin nila ang aking kalungkutan...
4-n: Kung gusto mo, sumunod ka nalang dun sa classmate mo(si Cho). Hindi naman nila mapapansin yun. BAlik ka nalang pagtatawagin na ang name natin.
Pre: Ok....(Tamaaaa!!!)
Nag kasundo ang mga pasaway!! hahahaha...

At nakakita p ako ng kapwa pasaway!
Pre: Jec, dito ka nalang para sama-sama tayo!!!
Jec: Wag na!
Pre: Ok lng yun! hindi naman halata. Dito kana.
Umiling si Jec! Ano yun? Nagbago na?! TRAYDOR!!!!!

Naglakad..naglalakad.. at dadaan sa mga swords ng ROTC.
CHANGE HAND!!!

Uy, may paparazzi ulit. Pose. HAyyy.. sa wakas naka upo din. ANgdaan ang mga seremonyas- Doxology, National Anthem, speech. Ang cute ng suot ng mga nagdoctorate! (hehehe..)

Dante G.: Nung kabataan ko, nagtitinda ako ng drayo tuwing umaga para may maibaon lang. Tuwing namang walang pasok, nagtitinda ako ng blah...blah...blah... Ako po ay pumasok sa isang unibersidad bilang isang iskolar blah...blah..blah...CONGRATULATION GRADUATES!!!

Awardings of medals to honor students.
Magna Cum Laude!
Cum Laude! Congrats sa mga classmate ko, sina Moriel, Derek, Joey, Jinky, Glecy, at ate Lea.

Distribution of Diplomas
sari-saring istilo ng pagtawag-may mabagal..may nagmamadali.. at may parang host ng variety show! CUM lauDAe! At habang inaabot ang Diploma, may ipinapakitang powerpoint presentation ng mga graduates. Tsk.. ka adwa.. ok sana kung maganda ako sa grad pic! Nakakahiya tuloy!

Respones from the Graduates
Magna Cum Laude: Blah...blah..blah...blah..
Sa haba ng sinabi nya, wala na akong matandaan!!
Simon C.: Forgettable.

Sa sobrang inip namin sa kanya, ang dami nanaming (Pre, Jec, Cho) side comments sa kanya!!(hehe..bad..) Yan ang epekto ng walang magawa. (hahahaha..)
Cho: Ano ba, ayokong maging mean ngayon!
Jec: Ok lang yun. Ganun din naman ang iba satin. Gantihan lang yan. Hehe..

Pledge of loyalty
I'am, state your name, blah..blah..

PUP Hymn

Graduate na!!!!! Yakapan moments, naiyak ako. Umiyak kasi sila. Nakakahawa yung mood. Pero malungkot naman talaga. Iba na ang buhay na haharapin namin at kahit sabihin pang "Ganon pa rin walang magbabago, keep in touch" may magbabago at magbabago pa rin!

Nakalungkot. Hindi ko na makakasama yung mga taong naging bahagi ng buhay ko sa loob ng 4 na taon!!! (Ang drama ko na...hehehe..)

Hindi ko pa kayang bumitiw. Aminado ako na hindi pa ako handa para sa next stage. (Tinatamad pa nga akong maghanap ng work eh.. hehehe..)Kaya nga di ko feel yung Graduation. Dahil ayoko pa!

Pero wala na akong magagawa.
Move on.

-ADIOS-

5 comments:

Random Thoughts said...

langya pre!!an'drama at madalas p nabanggit ang name ko!hahah..pero mganda..naka2tuwa..hahah..love you pre.. gudlak saten!

Random Thoughts said...
This comment has been removed by the author.
yoomie said...

lahat tayo hindi pa handa pero wala taung choice eh...kelangan mg grow....:(


--ngdadrama lng din:)

Erine said...

ahahaha.. ngayon ko lang din nabasa.. di bale pre.. after days of college, nandito pa din kami...



-trip ko magdrama!! bakit ba!!!

yoomie said...

kaya natin toh mga blogmates...dapat khitn matanda na tayo andyan parin ang partypips..!!!!