Sunday, December 21, 2008

PARTY, PARTY, PARTY!!!!!!




Ang saya mag party!!!!!
kala q nga maging boring kz sa bahay lng yung venue... wala man lang magalaan...

But, naging happy kming lahat... hahahah......






Hay, dahil sa mabilis akong tumakbo at magaling akong tumakas, di nila ako na pahidan ng chocolate....




whahahaha,,,,, may isang naklusot at pinahidan ako, pero pingbigyan ko lng cia... hehehehe......







Cho!!!!! Thank you sa gift mo!!!!!
I love it!!!!! Buti nlng hindi color pencils kasi meron na aq nun....
Tnx tlga...

hehehehehe...
kung hinhanap nio aq sa pics andun aq sa tabi.... muntik nang maharangan ni dah.... hahahahah......



at hdi lang nman kmi ang nag enjoy. Meron din nmang magugulo na mga bata. Ang kukulit nila.... nakalimutan q na ang mga names nila.....hehehehhe.....





Hindi aq nkapag upload ng mga pics ng food... sayang.....


party,party, party!!!!!
MERRY CHRISTMAS!!!!!

Sunday, December 14, 2008

Unlocking the Chain

Amanda's golden coat, beneath are dirty clothes, dirty shoes and a hidden face in a painted mask.
Carrying the malevolent eyes of those who don't understand while walking in the uneven street of her past.
Crying with blood but standing with pride, holding on her right hand the cane of fear and doubt.
Eager to see her way out of the King's tunnel lighted by the torch of hateful and distrust.
"Pardon?! Who needs pardon?! Not me! Not me, not me..." others are impress by her bravity; others pity her for her insanity.
Thinking of what she had done wrong or rather what she had done that others thought was wrong.
All she wanted is to love and to be love, "Is that wrong?! No. Did I steal? No. Did I murdered someone? No."
"Norms. Let me go of this chain of norms. I'm begging you. I may have been break the standards and rules that you imposed. I may have been divert my way differ from what you desire. But, what I feel is inevitable and uncontrollable. I'm longing for your sympathetic heart and I wish for your open mind."
"Confuse!", people shouting, hoping Amanda will drop her sincerity. But she smiled as her beloved approach her "I' always mesmirize by your smile, Cynthia"
Evil is what society see, "We're sinners," Cynthia whispered as she passionately kiss Amanda "as they were." The villagers open they're umbrella of shame as rain touches the raw land that crack in disgust.
They are looking for the key...

Thursday, November 27, 2008

litannia

bakit sya ganun?
bakit di nya alam?
bakit pa kailangang malaman ang isang bagay na di mo na sana gugustuhing malaman?
bakit ako madaling madala?
bakit laging mainit ang ulo nila?
bakit....
bakit mo gustong malaman ang iniisip ng iba?
bakit nagiging pabaya ang isng tao?bakit ko kailangang mainis sa isang mababaw na dahilan?
bakit nakakainis ang tanong na bakit?
Ang tao nabubuhay sa isang mundong di perpekto. Kaya nga ganun din tayo eh. Masarap maging masaya kapag alam mo kung pano maging malungkot. Pero gugustuhin mo pa bang malaman yun kung lagi ka namang iiyak???? Pinatatakbo tayo ng isang batas at ito ay ang iregularidad. Nakakainis kapag di sumusunod ang lahat sa ayos na gusto mo. Maiinis ka sa kanila. maiinis ka sa kanya. Maiinis ka sa lahat at maiinis ka sa sarili mo. Ang araw na to, nakakainis din!!! Ang araw na to, puro negativity ang dala!!!! Hanggang sa bahay sinundan ako! Mababaw... Mababaw ang dahilan! Pero para sakin kapalit nito ang buong pagkatao ko na akala ko malinis, marumi pala!!! Nawala sakin ang isang bagay na pinhahalagahan ko. Tama. Mahalaga sakin pero madalas kong binabalewala. Mahalaga pero di ko naaalala. Mahalaga pero di ko tinitingnan. Mahalaga pero parng hindi. Ganun ba talaga ako? Pabaya sa mga bagay na pihahalagahan ko. Di man lang ako......... Ganun na nga ako siguro dati. At ngayon ko lang napansin ang malaking kawalan.... ang malaking pakakamali. Dati pa. Ganun rin kaya sa hinaharap? Ayoko... pero... Baka gumising na lang ako wala nang may gistong lumapit sakin.....

magulo ang utak ko ngayon....
kaya nga parang walang pinatutunguhan ang sinsabi ko....
basto ibaon nalang sa limot ang araw na to..
nov. 27, 2008

Tuesday, November 25, 2008

Melancholy



I'm numb.
Tried of feeling alone.
I'm drown.
With these emotional burst.

I've seen it, I figured it
And I want to get off of it
The dark room of envy and uncontentment
Such escape means suffering to death

I'm a person of silence
But I hate it when they're soundless
What I feel and think are in the glasses
That as fragile as their sensitivity said

I'm childish? I'm immature?
I'm unnoticeable, unapproachable and misunderstood
Causes to label me as mysterious and obscure
To be undress of these impressions........

Often I'm in the field of lightness
Where I'm jolly, adventurous and a joker
Where I give, share and embrace
Where barriers prohibit intruders

Sometimes I'm visited by the wind of loneliness
Along with the dark knight of sadness
Then, pulled by the gravity of my senses
And fall to the abyss of ache

Once again I'm in the dark room
Suffering....crying....shouting....
Broken....burden....wounded....then
I unveil....the art of surviving

Grief are engrave in every man's heart
To ignore it, will further the cut
To understand it, will bring relief
To accept it, will leave a scar.


Monday, November 3, 2008

why, why, celine

(THIS STORY WAS 200 YEARS AGO. JOKE,, HEHEHEHE,,, MATAGAL NA NGA KASO DAHIL SA UNTI-UNTI NA ITONG NABABAON SA LIMOT, KYA ISUULAT KO NA LANG DITO )

Si celine ay naatasan ni lola Che na turuan ang kanyang mga apo ng tamang pag-aalaga ka "AHuB" na isang labrador. Binigyan lamang siya ng 4 na buwan. Bagamat noon pa man ay nag-aalaga na siya ng mga aso, ito ay maliliit lamang at maaamo. Ngunit kahit may pag-aalinlangan kanya pa rin itong tinanggap sa kadahilanang ito ay atas ng mas nakakataas sa kanya. Ang seryoso naman(,, heheheh,,,,) eto ang kwento.


Nang magkita sina Celine at ang tatlo apo ni lola che, hindi nman itinanggi ni Celine na s'ya ay walang karanasan sa pag-aalaga ng malalaking aso na katulad ni AHuB.

"Tinuranan ba kyo ng paggamint ng busal?" tanong ni Celine
"Hindi po.." sagot ng mga bata
"Ano?! Akala ko pa naman eh, di ko na pro-problemahin yun." sabi ni Celine habang pinag-iisipan na ang gagawin. "Bweno, pano ba yan di rin aq marunong. Magpapaturo muna ako sa tito ko... Sabay-sabay natin to'ng pag-aaralan."

Kinabukasan hindi sinupot ni Celine ang mga bata.
Kinabukasan hindi pa rin sinupot ni Celine ang mga bata.
at kinabukasan....
at mag sumunod na araw...
Kikabahan na ang mga bata!
Nagdududa!

"Sorry kids hindi ako naturuan ng tito ko. Marami raw sayang ginagawa." paliwanag ni Celine "Pero don't worry, kasama ko nman ang kapaid ko.s'ya ang magtuturo sa inyo."

Muling nagkaroon ng pag-asa sa mata ng mga bata. Nag-sample ang kapatid ni Celine ng tamang pag-lalagay ng busal. Ngunit nakagat lamang siya. MALI! Mali ang itinuro niya! muling nawalan ng pag-asa ang mga bata.


Lumipas pa ang mga araw na wala si Celine.
at mga araw pa..
at mga linggo..
nagkaroon ng mga usap-usapan...

"Pano ba yan malapit na'ng dumating si lola, pero wala pa rin tayong alam." pag-aalala ni Jay
"Oo nga eh..Gagamitin pa naman natin yun sa mga sususnod na ipapagawa ni lola" dagdag ni Tricia
"Hay... nasayang lang ang time natin...."

Dumating ang huling linggo ng huling buwan.

"Mga bata, dapat bukas na bukas din ay magawa mo na'ng paliguan si AHuB!" madiing sabi ni Celine

Walang ibang choice ang mga bata kundi sundin s'ya. Kahit pa ang kapalit nito ay ang paulit-ulit silang makagat ni AHuB. At yun na nga ang nangyari. paulit-ulit silang kinagat. Hanggang sa sumuko sila at iprinisenta lang ang nakayanan.

"Malinis na ba yan?! Hindi nio kasi sinunood yung step by step procedure!"
"Kaw kaya ang mapaligo kay AHuB!!! Ngangapa lang kami at walang kaalamalam!!" yun sana ang gusto ni Jay sabihin pero sinarili na lang niya.

Muli ni lang sinubukan. paulit-ulit ni nila sinubukan. Pauli-ulit silang nakagat at nasaktan. trial and error hanggang pumasa sa panlasa ni Celine.

"Ok. pwede na yan!" masayang bati ni Celine

Nalagot ang tali ni AHuB at hinabol si celine. Kinagat siya..... ng pagkalaki-laki.

"Bakit nio naman pinakawalan si AHuB?" mangiyakngiyak na tanong ni Celine. "Ang sakit ng ginawa nio sakin!!"
"Di naman namin sinasadya yon" paliwanag ni Tony
"Di naman namin alam na mahunan yung tali" dagdag ni Tricia
"Kawawa naman ako... tingnan nio ang nangyari sakin" sabi ni Celine habang itunuturo yung malaki niyang sugat .
Tumayo sa kinauupuan si Jay "Eh, pano kami... di nio ba nakikita yung nangyari samin?!!!! "
"Wag na nating pagtalunan yan!!" nangingilid ang luhang sinabi ni Celine. "Bibigyan ko na lang kayo ng madals"
"Pero di naman sapat yon!" sabi ni Tricia
" Ang point eh, wala kaming natutunan!" reklamo ni Tony.
"Bakit di na lang tato manood ng isang dog show! para kahit papaano eh may matutunan tau sa buong maghapon!" suggest ni Jay
"o cige" pagpayag ni Celine

Kinabukasan sinabi ni Celine na di na matutuloy ang lakad nila dahil nagkasakit ang host ng program.

"NEXT TIME NA LANG DAW" malungkot na sinabi ni Tricia
"Wala nang pag-asa. ewan ko lang kung matutuloy pa yan!" pag-kadismaya ni Jay

Dumating si lola Che. Wala siyang reaksyon ng makita niya ang mag medals ng kanyang mga apo. Kung alam niya o hindi ang nangyari walang nakakaalam.

Lumipas pa ang ilang buwan at mukhang nakalimutan na ang nangyari. Walang naibigay na solusyon. At HANGGANG NGAYON AY DI PA TAPOS ANG KWENTO.

ITUTULOY....
(kung kelan? di ko rin alam.)

Monday, October 27, 2008

Which way to go?

I’ am on my 18th years of journey in life. (wow, parang di ako, seryoso?hehehe,,) And still, I don’t know which way to go. I ‘am a 3rd year student of “Industrial and Organizational Psychology” in PUP-STE, but I can’t imagine myself as one. It is also not my line of interest. So why am I taking up this course? Uhmm….. let just say that , I ‘am a victim of circumstances which was the result of my harsh choice.

My first choice was engineering but unfortunately, I didn’t got a slot. It is just for the high grader math students. (nakakaintindi rin nman aq ng math..) I only had two courses left to choose. Great. Very great. Then the interviewer suggested taking management but I refuse and said “Sa psychology nalang po!”. Why? Cause my high school friend told me that she would take up psychology if ever she pass the entrance exam. I was thinking that it would be good if I have accompanied. On the enrolment day I saw her! (sa pagkamalas-malasan ko) She… was…. enrolling for management!!! I felt like a somebody hit my head! Damn!! What was I’m thinking?! How dare me to decide just like that! My only reason, my unreasonable reason few away. At that time I see my future as an old bridge which fills with fog.

Well that’s life and maybe that’s me. I’m not a critical thinking person. Just lean on to what I know “that time” was the right thing to do or what ease my situation without analyzing the result and consequence of my action.
“What makes a man, man? It is not how he starts things but how he chooses the end.”
-from "Hell boy"

And now I’m choosing my way to reach the end of my college life (it still 1 ½ year to go. Hehehe..). even I have the chance to go the other way, to shift , I choose to continue. In he pass I had chosen the path that I thought was a mistake. The I realize that it was a blessing in disguise, because it brings me overwhelming happiness, exciting experience and unforgettable memories which I shared with the people so close to my heart. They are the side effects of the unprescribe medicine that I bought. To have friends like them(they know who they are) erase the regrets of my chaotic mind. It’s not a bad choice after all. hehehehhe….

Well, this is another road of adventure, surprises, regrets, risk, ect.
Still don’t know where to go.
I guess courage is what I have now.
Good luck to me.
hahahah...
>>suoicerp

Friday, October 24, 2008

Tagtatalo ng mga Diyos

(This is just a scene. I don't know how I suppose to start this. Heheheheh..)


Sidapa-dyos ng kamtayan

Mandarangan-dyos ng digman

Lalahon-dyos ng pag-aani

Magwayen-dyos ng kabilang buhay

Dal'lang-dyos ng kagandahan

Dimag-awat-mortal




Sidapa: Magwayen! Nasan ka Magwayen?

(mula sa usok lumabas si magwayen)

Magwayen: Mukhang galit na galit ka. Tungkol ba ito sa binatang si Dimag-awat?

Sidapa: Batid mo naman pala! bakit mo pinalabas ang walang galang na iyon sa kabilang buhay?! Di ka makatwiran!

Magwayen: Pinararatagan mo akong di makatwiran?! Sa aking pagkakaalam, pinakausapan mo si makaptan para dapuan siya ng sakit at sa ganun ay bawian siya ng buhay! Para magawa mo ang iyong mag balak! Ikaw ang di makatwiran!!!

Sidapa: Paano mo nalaman ang mga bagay na yan?!

Magwayen: Ano pa't dyos ako. Hindi kagustuhan ni Dimag-awat na sugatan ang pinakamamahal mong alaga.

Sidapa: Wala kang alam Magwayen!

(dumating sa Dal'lang)

Dal'lang: Pumayapa ka Sidapa. Nakilala ko na ang binatang iyan. Siya ay mapusok at padalosdalos pero matapat at mapagkakatiwalaan.

(Nayanig ang lupa. Dumating si Mandarangan)

Madarangan: Mapagkakatiwalaan?! Isang kasinungalingan!!! Siya ay di matapat, siya ay mapaglinlang at duwag!!!!

Dal'lang: Pero sa akin paningin ay maaari siyag maging magiting na bayani ng kanyang balangay.

Magwayen: Hindi ba't ika'y ay kaibigan niya? Hindi ba't ikaw ang dapat na nagtatanggol sa kanya?

Mandarangan: Kailan man ay di ko siya ipagtatangol! siya ay di ko kaibigan! Si Dimag-awat ay manlilinlang!!!!!!

Sidapa: Nakita nyo na..... Kahit si Mandarangan na matalik niyang kaibigan ay nilinlang niya!!!!(tumingi siya kay magywayen)Kung di mo siya pinatakas, naiwasan sana ang ganitong kaganapan!!!!!


Magwayen: (bumuntong-hininga)Saan ka pupunta Mandarangan?! Mandarangan? Mandarangan?!

Sidapa: Aalis na rin ako. Di nyo ako mapipigilan sa aking mga balak!!!!

Dal'lang: Ano ba ang nangyari lalahon?

Lalahon: Alam nyo namanng madaling magalit si Mandarangan. Nagkaroon lamang ng di pagkakaunawaan.

Thursday, October 16, 2008

juan tamad

Ang Kagilagilalas na Pakikipagsapalaran ni Juan Tamad

Isang bukangliwayway,
puno ng katamarang sumakay sa bus
si Juan Tamad
Antok na antok
kahit buong araw siyang na tulog
MAGSUMIKAP KA
Sabi ng ina
At minura si Juan Tamad


Pagod na pagod
kahit wala namang ginawa
Nagpahinga si Juan Tamad
buong maghapon sa Avenida
BAWAL MANGLIMOS
Sabi ng kalsada
DON’T BLOCK THE DRIVE WAY
Sabi ng gate
Kaya tumabi at nakatulog
si Juan Tamad


Nang abutan ng gutom
si Juan Tamad
tumungo sa manggahan.
Namili’ ng mga bunga
tumapat sa nagustuhan
Nagdaan ang maghapon
hinihintay pa rin ang bunga
NO TRESPASSING
Sabi ng guwadya
At hinabol ng aso
si Juan Tamad


Pusturang pustura
kahit walang laman ang bulsa
Naglibot sa lungsod
si Juan Tamad
WANTED WAITER
Sabi ng board
Lumabas ang manager na mukang leon
Masarap sanang mag-apply pero
WE NEED ATLEAST HIGHSCHOOL GRADUATE
Sabi ng form


Nagbalik sa probinsya
si Juan Tamad
At medyo kinkabahan,
pumasok ng tahanan
YOU ARE OUR HOPE
Sabi ng magulang
WE NEED YOUR SUPPORT


Nang wala nanag maasahan
si Juan Tamad,
Dala dala’y gulok
Gulagulanit na ang damit
Wala pa ring Makita kasipagan
Kumapit sa patalim
ang namayat na
si Juan Tamad
WANTED DEAD OR ALIVE
Sabi ng pulis
At sinisi ang walang hiyang sarili
kung bakit di nagsikap
ang isang mamamayang umaasa lang sa pamahalan
na tulad ni Juan Tamad

Friday, October 3, 2008

sa simula....

bago,

iba,

sa nkasanyan q,,,,



masubukang ubisin ang laman

ng utak q sa pg gawa nto.



hahahahha