Saturday, March 24, 2012

Kawalan

Nakakulong sa sariling kahinaan
Nakakapit sa mga bagay na pinaniniwalaan
Walang magawa kung hindi ang mangarap
Lumulubog sa sariling kawalan

Lahat nagbago nang hindi ko namamalayan
Nawala ang liwanag na dati kong hawak
Tumigil ang oras sa lugar na kinalalagyan
Hindi makaalis sa sariling kalungkutan

Sunday, April 3, 2011

PRIA

Nakaupo si Pria habang pinagmamasdan ang paglubog ang araw. Matatapos na naman ang maghapon nang walang masyadong ginagawa. Maya-maya lang ay hayan na muli ang buwan kasama ang dilim ng kawalan. At sa puntong iyon, Magsisimula ang tila walang katapusang pag-iisip, paghahanap at paghihintay. Matapos makiraan ng kadiliman, bibisita naman ang haring araw dala-dala ang liwanag na katumbas ng pag-asa. Ngunit sa lugar kung nasan si Pria, wala siyang maaninag.

At paulit ulit lang ang pagdaan ng hapon, gabi at umaga.

Hindi ito bahagi ng pagkatao ni Pria noon. Pero ngayon unti-unti na siyang nilalamon nito. Ano bang meron sa buhay ng tao at umaabot ito lagi sa punto ng pagdududa sa mga bagay na nagawa na niya o nangyari na. Dapat ba o hindi? Ngayon o maghintay ng pagkakataon? Ipagwalang bahala o paghandaan?

Nagsimula ang lahat nang anyayahan si Pria at ang kanyang mga kaibigan na dumalo sa sayawang ginaganap tuwing gabi sa bahay ni Maestro. Ngunit dahil sa likas na bata, mas pinili nila na puntahan ang magarang pagtatanghal ng mag kakaibang tao at hayop na ipinalalabas gabi-gabi sa bayan. At ayun nga, nun gabi, manghang-mangha sila sa panonood sa nakakaaliw na panonood sa nakakaaliw na pagpapakitang gilas. Nananakit ang tiyan nila sa katatawa. Halos mamaos sa kakasigaw.
Isang pagsasayang walang inaalala.


Nagdaan ang mga araw at tila nababagot na. Nagsasawa sa palagiang nakikita. Kaya ayun, tila nag papahiwatig ng kagustahang pumunta sa bahay ni Maestro upang makadalo sa sayawan. At sa pag-iisip ng mga bagay-bagay na maaaring mangyari sa bagong lugar na balak puntahan, ay para bang nabigyan sila nag panibagong sigla. Sila, pero hindi si Pria. Dahil si Pria ay nananabik pa ring mapanod ang palabas sa bayan. Pero dahil gustong makasama ang mga kaibigan, nung kinagabihan ay umayon din siya.

Nang patungo sila sa sayawan, ang payo ng mga kasalubong ay magkaiba. May nagsasabing maging matiyaga at matutong maghintay. Sa iba naman ay maging taong may kusa at gumawa ng paraan. Habang ang iba'y naghihintay, sa paniniwalang darating ang taong para sa kanila. Ang iba naman ay hindi mapalagay sa pag-upo at pilit na nililibot ang buong bulwagan.

Pagdating sa lugar, sila'y namangha. Isang napakalaking bulwagan sa napakaraming tao. Mukhang ang lahat ng mamamayan sa bayan ay na doon na. Lahat sila, matanda man o bata. Tunay ngang ang lahat ay nababaliw pagpasok dito. Dahil tila ang mga nagsasayaw ay walang pakeelam sa iba at tanging sa kapareha lang umiikot ang mundo nila.

Ang unang gabi ng magkakaibigan sa sayawan ay masaya rin naman. Pinagdiriwang ang pagiging malaya at kawalan ng tungkulin para sa iba. May pagkakataon na naaakit ang iba sa kanilang tinagtaglay na kalayaan. At minsan ay naiingit sila sa iba na kinakikitaan ng pagmamahalan. At nang tumagal, mas lumulubog sila sa kumunoy ng pagnanais na magkaron ng makakasayaw.


Subalit si Pria ay iba sa kanila. Bagamat nauunawaan niya na ang bawat isa ay nangangailangan ng isang taong makakasama sa pagsabay sa musika, para sa kanya, hindi pa niya ito kailangan. Sapat na ang kasiyahan kasama ang kanyang mag kaibigan.

Kaya ayun, hinayaan na lang sila ni Pria at nung sumunod na gabi ay bumalik siya sa bayan para mapanood ang pagtatanghal. Siguro nga, hindi na ito kasing saya ng dati. Subalit kumpara doon, mas gusto niya dito.

Lumipas ang mag gabi, at habang nagtatagal unti-unti na siyang nababagot. At dumating na ang pinangangambahan ni Pria. Tulad ng pinagdaanan ng kanyang mga kaibigan, hinahanap na rin niya ang pagbabago.

Isang gabi pumunta hi Pria sa bahay ni Maestro. Hinanap ang kanyang mga kaibigan. Kahit napakalaki ng lugar, nakakapagtakang hindi niya sila matagpuan, gayaong alam niya ang lugar na madalas nilang pinupunthan. Nang muli siyang tumingin sa paligad, may nakita siyang pamilyar na mukha. Lalapitan sana niya, ngunit meron itong kausap. Napangiti si Pria at humakbang patalikod. Nagpasyang wag nang lapitan, dahil ayaw niyang makagambala.

Di nagtagal may nakita pa siyang isa. At isa pa.At isa pa. Nagkalat sila sa buong paligid. Hindi niya magawang lumapit. Nalungkot siya, dahil mukhang naiwan na siyang mag-isa. Hindi na siya nabibilang sa lugar na kinaroroonan niya. Tumatakbo sa isip niya ang tanong na kung ano ang maaaring nangyari kung hindi siya bumalik sa bayan para manood ng palabas. Alam niyang darating siya sa puntong ito, ngunit ganun pa man dumating ito na parang hindi niya inaasahan. At nahihirapan siyang hawakan to'. Sa mga oras na yun, nahihirapan siyang huminga. Damang-dama ang pag-iisa.

Lumakad si Pria na dahan dahan ng patalikod, patungo sa pader malapit sa pinto. Ni walang nakakapansin sa kanyang pagkabalisa. Nais nya sanang tumakbo palabas, para matakasan ang lahat. Ngunit hindi niya maiangat ang nanginginig niyang paa. Hindi maigalaw ang mga binti. Siguro, may bahagi ng pagkatao niya na matapang na hinaharap ang lahat. Umaasang darating din ang pagkakataon na para sa kanya. Subalit kelan?

Nun gabi, sa gitna ng magandang musika at maraming tao, naiwan si Pria sa isang sulok, mag-isa. Mali ba talaga ang naging desisyon niya noon, kaya't nahihirapan siya ngayon. Nais sana ni Pria na kumilos at gumawa ng sariling pagkakataon, subalit hindi niya alam kung pano.

Natapos ang gabi, bumalik ang umaga, lumipas ang mag-hapon at dumating muli ang dilim. Paulit-ulit na para bang walang katapusan. Paulit-ulit na tila walang patutunguhan, na parang walang darating, na parang walang magagawa. Hangang ngayon, ganun pa rin. Paulit ulit lang. At unti-unting nahuhulog ang buong pagkatao ni Pria sa bangin ng kalungkutan.



......

Wednesday, February 9, 2011

TAKBO... dali...TAKBO!!!!!

Ang tagal na rin nun huli ang nag sulat dito. At sa nakaraang, wala akong maisip n isulat. madalas talaga n blanko ako s mga idea.
Ngayon may gusto lang akong ibahagi mula sa aking karanasan nun bata pa ako. Matagal ko na tong nasulat. Mula sa pinaka una kong journal nun first year college.




Ang bata ay likas na mamalikot, pasaway at mamakulit. Boring siguro ang buhay ng bata kung wala silang kalokohan na gagawin. hehehe...Lahat tayo, nun mga bata pa, ay may maliliit na pakikipagsapalaran. (Ala Tom Sawyer... yung binabasa ko ngayon)

Isa sa mga hindi ko malilimutang pangyayari nun nasa mababang elementarya pa akong ng Talisay, ay nun pagplanuhan naming magkakaklase na pasukin ang isa sa mag malalaking bahay sa barangay namin. (Hindi kami akyat bahay gang!!!) Parang trespassing ang gagawin namin, kasi alam namin napag nagpaalam kami eh hindi naman papayag ang may-ari.(pasaway talaga eh..) Parang mag professional, pinag planuhan talaga namin kung san kami dadaan. May ginawa pa kaming mapa! Excited ang lahat. Parang may mabigat kaming "misyon" na dapat gagawin!

Nagsimula ang lahat noong may nagsabi sa isa sa mga kakaklase ko(hindi ko na matandaaan kungh sino) na may palaruan sa malaking bahay.

"Anong palaruan" Tanong ko
"Edi, yung swing, padulasan, baras..yung mag ganun," sagot nila
"Talaga? eh, san yun?" tanong nun isa kong klasmyt na babae
"Malapit kina Tilet!" sabi nun isa
"Hindi!!! Kina petut(palayaw ko nun bata pa.. hehehe.. ang pangit)" sabat nun isa pa
"Teka lang, eh pwede ga tayong pumunta dun?!" sabat ng iba
"oo nga, Pwede ga? Gusto kong sumama!!" sabi ng iba
"Malamang hindi, edi puntahan natin mamaya pagkatapos ng klase " sabi ni pasimuno "dun tayo sa bakod dumaan!"
"Geh, magtanong pa tayo kung sino ang gustong sumama."

Nun breaktime, pinagplanuhan na namin ang aming gagawin. excited ang lahat na pumunta sa palaruan! Kasi naman yung nasa school ay sira-sira at kinakalawang na. At bukod dun, masaya sa pakiramdam pag may gagawin ka na ayaw ng mga matatanda.

Bale yung gate ng malaki bahay ay malapit sa bahy nina tilet. Pero yung palaruan ay nasa likod ng malaking bahay. At yung dadaanan namin bakod ay malapit sa bahay namin. kaya dun kami sa likod ng bahay namin dumaan. (Hindi ko matandaan kung napansin ng mga magulang ko yung nangyayari)

Edi yun na nga! Kinahapunan, halos buong klase namin ang pumunta dun. Sama-sama kami. Parang may susuguding kaaway! (oh di ga, maypagkakaisa kami.. hehehe). Meron kaming nakitang bakod na medyo bukas. Dun kami pumasok. Pagpasok namin dun, yung palaruan ang sumalubong samin. Colorful at gawa sa plastic kaya siguradong walang kalawang. Pang mayaman!

"WOWWwww"
Naglaro kami. Nagkagulo kami o nanggulo kami. Nagsaya kami! Parang may kayaman na nakita ang mga batang pirata. Sa gitna nang pagsasaya, may biglang sumigaw!

"Takbo....dali...hahabulin tayo ng itak...TAKBO!!!!!"

Sa isang iglap, lahat ay nagtatakbuhan! Lumingon ako para makita yung may hawak ng itak. Pero sadami nang nagtatakbuhan sa direksyon ko, hindi ko makita. Hindi ko na rin hinanap at nakitakbo na rin ako. Nagsisikan kami sa pag labas sa maliit na siwang ng bakod na dinaan namin kanina. Nun malagpasan ko yun, isa ako sa mga nangunguna sa pagtakbo. hehehe... Takot din pala ako.

Nang makalabas kami, nasa kalsada na kami at hingal na hingal. Ang layo ng inabot namin sa pagtakbo! Pero lahat kami nakangiti. Hindi kasi kami naabutan.

Kinabukasan, wala kaming narinig na anuman sa mga teacher namin. WALA NAGSUBONG at WALA NAGREKLAMO! Ayos. Mission Accomplished!

Nun break, may kumalat na balita sa klase.

"sabi anu daw, hindi naman tayo hahabulin ng itak.. nag uunat lang daw si manong!!!"

NGEK!!!!!


THE END.

Wednesday, September 15, 2010

Hi there! Am I speaking to the lady/man of the house?

This is my every day's opening line.

I'm in a call center industry.
.. conducting a quick consumer questionnaire.

August 17, 2010, nag simula ako as a trainee sa isang call center company.

Papasok ako ng 3am sa work. Pagkatapos kong mag log in, pupunta na ako sa station ko. Hayyy.... mag sisimula na muli ang paulit-ulit na pangungulit ko sa mga Canadian.

Mga lines, bago pa sumapit ang first question!


1ST HOUR
Answering machine...(
halos lahat!!!)
No, I don't want to do this! (edi wag! hindi rin nman makapag rebutt at ibinaba na!)
Unless you pay me, I will give up some information. (Ang damot naman! 1 minute nga lang eh!!!)
I'm not interested in anything you do. (What?!!!!)
No, thanks and please take me off your list. (but....thugs!!!)
Thanks, I don't want to participate. (Whould you mind helping me out!) No, I don't like! (thugs! ang sakit sa tenga huh...)
I don't do surveys on the phone. Send it to my mail. (I don't know your email address...would you give it to me?hehehe....)
This is harassment!!! (What?!!!! Do not call ka na!!!)


2ND HOUR
No thanks, Im not interested
(Na naman?! Wala pa akong nasasabi eh.)
Your breaking up, your breaking up! (Pangit ang connection! Sayang mabait pa naman! Wala pa akong survey!!!!!!!)
No your not. Goodbye!!! (Itatanong ko pa kung asan yung man of the house eh....)
I don't have time right now! (Just 1 minute??)
I'm watching a tennis ball!! (Hindi natinag sa panonood!!!)
Faxtone....(ahh.. grabe ang sakit sa tenga!)


3RD HOUR
I don't give information over the phone.
(Hindi maisahan eh..)
Faxtone..........
No, I'm not gonna do it!!
(But,.........THUGS!!)
Yah, but I don't want to talk to you. (anla, alam na kung sino kami!)
I'm busy right now.. (ahh..thugs!!! hindi ko naman ma practice ang rebutt ko eh!!)


4TH HOUR
I don't wish to participate. Thank you, bye.
(But why??? )
I'm really not interested. Thank you! (I'm not saying anything yet! Why are you not interested? hehehe.. ibinaba na!!!)
(Na survey na, name nalang)My wife's name only! (aanhin ko nman yun? ikaw naman ininterview ko?!!! hellooo????)
I don't want to give that information (husband job.....Tsk,, na Survey not Complete pa!!)
I'm sorry I'm watching football and I'm not interested!
No, thank you!
Where are you calling from?
(Patay, pag nalaman sa Philippines hdi n to sasagot!)
No thanks. (Wag na kayo mag thank you. Kakaasar lang!)


5TH HOUR
Please don't call me again!!!
(Well, I would like too. hehehehe...)
Get lost! (Asar na samin!! hehehe...)
Can you please take us off your list!Would you do that? (hmf.. FINE!!!!)
I'm in the middle of suffer. (oh, ok! Im sorry!)
I'm just on way out. (Would you mind helping me first?!!! hehe,, ang makapal!)


6TH HOUR
I don't think I have time to talk to you right now. (oh, waittttt....thug!!!)
Your connection is bad. (huh? again??!!)
Why you keep calling here?! I dont want to talk to you! (Just answer the questionnaire!)
bye.. bye.. (Hihdi pa ako nag kakapag-hello eh...)


7TH HOUR
Do I sound like a man to you? (Oh, I'm sorry!)
I told you yesterday don't call here again!! So now, quit calling here! (Would you mind helping me out this time??) NO!
You know.. I rather not (but....)
We don't want to answer any questionnaire.
Hold on, 1 sec....................................... (wala na........di na ako binalikan........)
Yeah, and Im not interested..
....(helloooo?????....... Is anybody there?? hehehehe....)
I'm on the do not call list!!!!


8TH HOUR
You guys already call me 3 times today. (Don't worry, it will be the same tomorrow! hehehe...)
Stop calling me! THUGS! (ouch.......)
You know, its 20 past 9 already, and you shouldn't call this late. (Tama.. sorry naextend na naman kami eh...)
I don't feel like answering a questionnaire tonight. (How about tomorrow?)
Yes you were.. good bye!
Oh, your phoning late.
No and she's not coming back!! (Anla...)
I will file a complain if you call here again.. (Fine.. Fine..)
What do you want to know? (Oh, nothing too personal!)
What part of "do not call here again", you don't understand? huh?
I don't want to answer a questionnaire from a company whose name doesn't stand for anything!
(May point!!!! )


Konti pa lang yan!!! hehe,, may mga araw na nakakatuwa na makipag pilitan sa kanila. Pero nun nagtagal nagsawa na ako. Hmf....hindi talaga swak sakin ang ganito eh!!!

kaya........

September 24, 2010 nagresign ako. Pakiramdam ko hindi talaga para sakin ang trabaho to'. 1 buwan lang ako nakatagal!! hehehe... Pero maganda naman yung na acquire kong experience!! Kung hindi lang dahil nakakatuwa ang working environment dun, sa simula pa lang umalis na ako!


SPT, THANK YOU!!
......................................................

"No, I don't consider myself as a loser. I did not give up on my fight; this is not my war. I just quit on something I felt I had to do but did not want to!"



Saturday, July 17, 2010

Diretso lang!

Hindi ko masasabi na sanay ako sa hirap ng buhay. Hindi ko rin masasabi na lumaki akong maginhawa. Sakto lng. Matapos kong mag tapos sa sintang paaralan, marami akong naiisip ng mga pangarap. Marami akong nakikitang pag-asa. Ngunit ng simulan ko na ang paghahanap ng mapagkakakitaan, unti-unti ko rin na kita ang katotohan! Na ang pangarap ay pwedeng pangarap lng talaga. Na ang pag-asa, ay nakalubog sa kumunoy na mahirap makuha. Sa tuwing sinusubukan ko umabante, marami ang humigit sakin pabalik. Mga kakulangan na ngayon ko lng nakita at na pukaw. Ngayon hindi ko alam kung pano pupunan ang mga yun. Maraming bumabagabag, maraming mga bagay na sa palagay ko ay humaharang.

Isang pakiramdam ko ang laging bumabalik sakin. Ayokong kaawaan. Gusto ko patunayan ang sarili ko. Ito ang nagpapanatili sakin. Pero sapat na to??? Tingin ko hindi. Hindi sapat yan. Ano pa ang kulang? May makakapag sabi ba sakin?

Umalis ako sa bahay na kinalakihan ko. Dumalaw sa malayo, hindi alam kung hangang kelan. Nag hahanap ng bagong pag-asa na hdi nakalubog sa kumunoy. Sana may makita. Umaaasa.

Pero kahit anong mangyari, kung ano man ang kalabasan ng pag hahanap kong ito. Isa lng ang rutang tatahakin ko. Diretso lng hanggang sa masalubong at mabangga ko ang hinahanap ko.

--------------------- -------------------- ------------------- ------------------ -----------


Saturday, May 15, 2010

Dito po sa aking...pagtatapos

APUNTAR...FUEGO!!!

BANG!!!!

Bumagsak. Patay. Wala nang buhay. Ang pagtatapos ng buhay estudyante ng mga 4th year students sa sintang paaralaan.

MAy 7, 2010

Umaga ang graduation namin. Umaga, 7 am dapat andun na. Matapos kong masanay na gumising ng late?! Lagot, pahirapan na naman sa paggising.(tsk...tsk...) Eh, hindi pa naman ako nakatulog agad nun gabi! Excited kasi. (hehehehe..) Ayun, late ako! Este, "akala ko" late ako. naabutan ko pa yung mga classmate ko na nagpipicture taking!! (Yes, buti umabot p! hehe..)

Bago ko pa isuot ang toga ko, maglagay ng corsage, ngumiti muna ako sa harap ng camera. (smile..click..) Habang busy na busy kami sa pag capture ng moments, hindi namin napansin ang pagdating ng isang kontrabida! Si Tandang Milrong!!!!

Tandang Milrong: BSIOP 4-1!! Ano pa ga iyan? Tama na yan. Pumila na kayo dun sa taas.
Agad naman naming sinunod. (Ang bati namin.) Umaakyat kami ng 4th floor. Grabe, ang taas, nakaheels pa naman ako.

Tandang Milrong: Eh talaga naman. Ga-graduate na at lahat, mga pasaway pa rin kayo.

HAbang umaakyat, sa sobrang init, kahit hindi kami magkakalapit pakiramdam ko nagsisiksikan kami.

Akyat.. Akyat...Akyat...4th floor..sa wakas..

Kwentuhan.. tawanan.. picture taking...
Kwentuhan.. reklamo.. picture taking...
Paypay dito.... punas ng panyo.....
Mukha nang wasted... picture taking...
retouch.... picture taking!

Sari-saring itsura, sari-sairng ayos! May bongga.. may simple...makapal ang make-up... may wala....oily at pawisan.. may parang hindi naiinitan.. may nakasimangot...nakangiti...may ngarag...meron kayang kinakabahan?? Parang wala akong na pansin.

Student (1st/F): Magsisimula na!
Student (2nd/F): Maglalakad na!
Student (3rd/F): Tara na!
Student (4th/F): Baba na tayo!!
OA? hehehe...

OK, baba na. Aknya-kanyang hanap ng mga kasunod sa pila.
Step one, picture...step two, picture....step three, kita pa ba ako?!
ADIK...

Nasa baba na ulit. Nagkalat ang mga paparazzi!!! (mamaya ang tubos, 50php..hehehe..) HAyyy.. nakainip! Pinagsama kasi sa iasng list ang 3 section ng IOP. Kaya iyon, napapaligiran ako ng mga taong di ko kilala. Hindi pa naman ako maboka.

At dahil napansin nila ang aking kalungkutan...
4-n: Kung gusto mo, sumunod ka nalang dun sa classmate mo(si Cho). Hindi naman nila mapapansin yun. BAlik ka nalang pagtatawagin na ang name natin.
Pre: Ok....(Tamaaaa!!!)
Nag kasundo ang mga pasaway!! hahahaha...

At nakakita p ako ng kapwa pasaway!
Pre: Jec, dito ka nalang para sama-sama tayo!!!
Jec: Wag na!
Pre: Ok lng yun! hindi naman halata. Dito kana.
Umiling si Jec! Ano yun? Nagbago na?! TRAYDOR!!!!!

Naglakad..naglalakad.. at dadaan sa mga swords ng ROTC.
CHANGE HAND!!!

Uy, may paparazzi ulit. Pose. HAyyy.. sa wakas naka upo din. ANgdaan ang mga seremonyas- Doxology, National Anthem, speech. Ang cute ng suot ng mga nagdoctorate! (hehehe..)

Dante G.: Nung kabataan ko, nagtitinda ako ng drayo tuwing umaga para may maibaon lang. Tuwing namang walang pasok, nagtitinda ako ng blah...blah...blah... Ako po ay pumasok sa isang unibersidad bilang isang iskolar blah...blah..blah...CONGRATULATION GRADUATES!!!

Awardings of medals to honor students.
Magna Cum Laude!
Cum Laude! Congrats sa mga classmate ko, sina Moriel, Derek, Joey, Jinky, Glecy, at ate Lea.

Distribution of Diplomas
sari-saring istilo ng pagtawag-may mabagal..may nagmamadali.. at may parang host ng variety show! CUM lauDAe! At habang inaabot ang Diploma, may ipinapakitang powerpoint presentation ng mga graduates. Tsk.. ka adwa.. ok sana kung maganda ako sa grad pic! Nakakahiya tuloy!

Respones from the Graduates
Magna Cum Laude: Blah...blah..blah...blah..
Sa haba ng sinabi nya, wala na akong matandaan!!
Simon C.: Forgettable.

Sa sobrang inip namin sa kanya, ang dami nanaming (Pre, Jec, Cho) side comments sa kanya!!(hehe..bad..) Yan ang epekto ng walang magawa. (hahahaha..)
Cho: Ano ba, ayokong maging mean ngayon!
Jec: Ok lang yun. Ganun din naman ang iba satin. Gantihan lang yan. Hehe..

Pledge of loyalty
I'am, state your name, blah..blah..

PUP Hymn

Graduate na!!!!! Yakapan moments, naiyak ako. Umiyak kasi sila. Nakakahawa yung mood. Pero malungkot naman talaga. Iba na ang buhay na haharapin namin at kahit sabihin pang "Ganon pa rin walang magbabago, keep in touch" may magbabago at magbabago pa rin!

Nakalungkot. Hindi ko na makakasama yung mga taong naging bahagi ng buhay ko sa loob ng 4 na taon!!! (Ang drama ko na...hehehe..)

Hindi ko pa kayang bumitiw. Aminado ako na hindi pa ako handa para sa next stage. (Tinatamad pa nga akong maghanap ng work eh.. hehehe..)Kaya nga di ko feel yung Graduation. Dahil ayoko pa!

Pero wala na akong magagawa.
Move on.

-ADIOS-

Tuesday, May 4, 2010

TIMELESS LIKE NERVERLAND

Years ago I was just a freshman of an state university, and as if a fast-forward button was pushed, I' am now a senior student who will be graduating in a few days. Same feeling again, just like in high school, happiness and distress has once again causing fuss. Though I' am glad that my parents' hard work will be paid off, I' am unhappy to leave behind my fun, careless and easy-go-lucky student life. I' am afraid to handle greater responsibility which I will be forced to embraced after college.

At this point, I want to escape the process of growing up. (seriously!!) If possible, I will go with Peter Pan in Neverland! I want a time freeze! I want to stay in this time zone forever. There will be no pressure. No expectations. No difficulties. Less struggles. Less responsibilities.

I imagine myself flying with Perter Pan and the Lost Boys. Enjoying life without adulthood worries. Being selfish and mean is not a big deal in Neverland (I like that!). Nothing to be feared of, cause you make your own rules(yeah!). Although there is Captain Hook, the epitome of arrogant adults, he is weak and easy to be fooled. (hehehe.. bad..) Hmmf...unfortunately this wish is just unrealistic! A true fairtale, can never be happen. (so sad..)

So I left my fantasy.

After that, one thing I do realize. This is what I believed in. Although we can neither turn back time nor freeze it, the past can always be look back on. Everyone has their own Neverland where we feel joy, happiness and even sorrow as we remember the things we've been gone through.

Too bad for the "childish" me, I have no choice but to remember the past, appreciate the present and welcome the future. Maybe there is nothing to fear in change, after all, it what we needed.

I don't know what lies ahead of us, but I know, It will never be the same again (without you all). With different environment and new priorities and opportunities, here comes the beginning of a new life, new adventures and new struggles!

" To all my friends, as much as we might like to stay close with each other, it is inevitable due to the priorities we might take in. But, for sure, our experiences together will link us all from one another! Definitely we will find new friends and new relationship but remember that the time we spent together is timeless like the Neverland!"


Thank for everything!
I will miss you guys!
Good luck to us!