Saturday, April 21, 2012

Gala Mode!!!

Gano nga ba kahalaga ang VL sa isang nagtatrabaho ( call center )?
Me: Sobrang importante. Dahil ito lang ang time na nakakapag ipon ako ng panibagong sigla para ipagpatuloy ang trabaho, dahil hindi na enough ang restday!

Kaya naman sobrang saya ko nung na-approved VL ko! Yehey...sa wakas... one week! Tinodo na. Minsan lang maaproved eh.

Wala naman talaga akong importanteng lalakarin. Gusto ko lang! Tinatamad n kasi na kasi ako eh. Sawang sawa na ako mag calls.

Approved leave: April 2 to 7 (Kaya pala inapprove, holly week kasi. Tipid sila sakin) Naisip kong pang icancel yung thursday and friday, kaso hindi na pwede. Hahahaha... Mukhang talagang pera!

April 1, 2012
Restday OT ( para madagdagan naman sweldo ko...hahahaha... )

April 2, 2012
Pumunta ako sa UPLB kasama si Melie, May at Jeff. Ang balak ay umakyat ng bundok. Pero dahil late na nakaalis ng Lipa eh hindi na yun natuloy. Wala rin naman byahe papunta doon ( buti nalang, kasi masakit na talaga binti ko kakalakad...hehehe...)
Pero enjoy pa rin sa roadtrip. (^-^) at pagpapauli uli sa UP. Sobrang nakakapagod, parang umakyat na rin kami ng bundok!

Nang pauwi na kami, nag stop over muna sa bilihan ng cake at buko pie.
Chocolate Cake:(nakalimutan ko yung name nung store) half roll for 160 php
The Original Buko Pie: 160 php (Ang sarap!!! eto yung binili ko eh )

Dumaan pa din kami sa Walter calamba para mag palamig kasi kahit hapon na eh, sobrang init pa din! (at saka mas mura books dun kesa sa SM)

At dahil hapunan na, dumaan muna kami sa Tanuan para kumain sa isawan. Dun sa mag likod ng KFC. Nakakamiss! Doon din kami natambay ng mga kabarkada ko dati eh. Ang dami naming nakain! Masarap pa rin kasi sawsawan nila dun. Ang saya talaga kumain (^-^)...yum...



April 3, 2012
My NBI: Inabot na ako ng isang buwan bago ko kinuha...hehehe... Ang aga ko pa, wala pa lang pila.
Hair straight: Noong december ko pa balak yun eh, pero nun lang natuloy. After 3 and 30 mins, ayos nastraight din hair ko!!! Yes!

April 5, 2012
Biglaang plano for the hollyweek. Tutal naman mga wala kaming mga lakad at walang pasok, kaya go lang ng go! Kahit saan!
Destination: Tagaytay (kahit saan, basta don)
Gala-mates: Pre'(me), Jec, Cathy, Cho, Paul, Ler, JM and Nana (nasan na yung ibang party pipz?!)

Kitaan
Nagkita-kita kami sa Calamba Crossing. Usapan 7:00 am andun na. Pero nag intay pa kami sa may Jolibee hanggang 8:00 para sa mga humabol. At nung paalis na kami, dumaan muna kami sa tyange. Sa kamalas malasan naman, nadukutan pa ako ng cp. May bumangga lang sa likod ko, tapos nung icheck ko yung bag ko wala na phone ko. Sayaaanngg..... Ang dami pa namang importanteng bagay ang nakasave dun. Buti nalang may kopya pa ako ng picture ng papa ko sa mail. Grabe, walang patawad yun eh. Huwebes santo, kumakana pa din. Peek season ata nila ngayon!
Pero hindi naman pwedeng masira araw ko dahil dun. Hindi pa nga nag sisimula eh. Kaya tuloy pa rin pa Tagaytay. Kalimutan muna ang nawalang phone. Go....

Sakayan
Dahil walang byaheng diretso papunta dun, nag cutting trip kami. Sumakay ng van mula Calamba crossing to Palapala for 60php. Sumasay ulit ng jeep from Palapala to Tagaytay for 35php.
Me: Bakit naman dumayo ka pa sa Calamba para pumunta dun?! Eh, pwede naman galing Lipa tapos dun nalang makipag kita! Nanakawan ka pa tuloy ng phone.
Me2:Eh, kasi. Bukod sa hindi ko naman alam ang byahe at ayokong pumunta dun mag isa, mas gusto kong kasama sila!!! Naks.... Hehehehe....

Pagdating dun, sa Mcdo muna kami nag stop over para kumain. Tapos nag hanap kami nang room for rent para mapag iwanan ng mga gamit at matutulugan. May mga ayaw mag rent samin. Gusto ng iba eh, sa bar na lang tumambay hangang umaga. Pero wagi pa rin yung room for rent...hehehe.... Sa tulong ng tricycle driver/tour guide ay nakahanap kami ng room na pumayag na 8 person ang gagamit and 350 php per head. Solve. 200 php bayad sa tricycle sa pagpapauli uli (bale tig 50php kami).

Picnic Grove
50php ang entrance. Tanghali. Masyadong mainit. Nilibot at nag picture taking (fav ko yung sa tulay). Sobrang init talaga. Wala kaming hangin na maramdaman. Pumunta kami sa pinakamatas, pero wala pa rin hangin.


Zip line: Eto talaga ang plano naming gawin. Kaso sa taas, nadaan namin yung mga nag aalok ng boat ride. Ayun, nag enquire, nakipagtawaran at pumayag. Ok, boatride na!!!
( Buti na lang maarami kami. Madaming kahati sa bayad....hehehe.... )

Zig Zag
Inihatid kami ni manong driver/tour guide sa Leynes Resort na halos sakop na ng Talisay! Batangas (hehehe... Dapat sa Tanuan na lang kami dumaan. Umikot pa kami. Pero kaya nga road trip eh. Kailangan laging long cut....hahahaha)
Bago dun, dumaan kami sa zig zag na pataas, pababa, paikot. Ang galing, parang binabalatan namin yung bundok! Sa una, tuwang tuwa kami sa daan. Pero sa huli, nanawa na kami sa zigzag. Ang layo kasi eh...o_O

Boat ride
1300php for 8 person
Nakasakay na akong ng bangka nun maliit pa ako papuntang Isla Berde. Pero limut ko na yung feeling. Kaya bagong experience ulit ito para sakin. Hayyyy....... Masaya! Dun lang namin naramdaman yung hangin. Yung alon, nakaka-relax. Hahahaha... Ayos, picturan ulit!!! (hindi ko maupload video!)



Horse ride
4000 php for 8 horse and tourguide (mandatory...wala mamamando ng kabayo )
Dapat 4500php, pero dahil barat mga kasama ko, magaling sila sa tawaran! (hahaha... I love them!) First time ko sumakay ng kabayo. Nakakakaba. Parang akong mahuhulog pagtumatakbo si Patricia (yung name nung kabayo...hehehe...). Lesson 101 from manong: Pag paakyat, dapat na kakuba at pag pababa, dapat nakaliyad.
Whoa...Ang init pa rin at ang layo pala nun. Buti nalang sumakay kami.

The View (Taal Lake)
First time ko rin makita ang Taal Lake (lahat first?! Hehehehe...). Wow...... Ayos yung view... Maganda! May part dun na walang bakod parang mahuhulog ako. Katakot eh.
Dun sa taas, halos lahat nang bilihin 50 php. Kahit yung coke sakto! Ok lang, mahirap nga namang mag akyat nang paninda sa taas. At pag walang pesos ang mga foreigner dollars ang binabayad.



Pabalik
Ok! Flashback lang. Horse ride ulit. Ang sakit na katawan ko. Bout ride ulit! Enjoy pa din. Pagkatapos, kainan na. Pagdating namin ulit dun sa may pampang, handa na yung food. Buti na lang na itimbre na, na parating kami!
Food: Sinigang na hipon, 2 fried tilapya and unli rice for 1100 php
Busog!!! (^-^)....
Same tricycle sinakyan namin pabalik ng bayan. 800 php yung 2 tricycle, so 100 each kami! Ang layo nga naman kasi.

Pinitensya
Mula sa bayan, nilakad namin pabalik sa bahay. Dumaan din kami ng simbahan para mag pasalamat at para na rin mabigyan kami ng lakas, dahil sobrang layo pala ng lalakarin namin pabalik.
Me: Grabe!!! Sino bang may sabing malapit lang?! Eh, sobraaannggg laaaaayoooo kayaaa!!!! (hindi na nila ako naririnig. Naiwan na ako...)
As in sobrang layo ant sobrang nakakapagod.

And finally after 20 years, nakarating din sa bahay! Makakaligo na rin. Ang lagkit na namin. Tamang pahinga, kwentuhan at tawanan!!!!

April 6, 2012
Almusal: pancit canton, itlog, kanin and drinks (coffee/milo) by the kahera of the bahay for 350 php.



Sinudo kami ni manong tricycle para ihatid sa picnic grove (wala nang entrance...nagbayad na kami kahapon eh...hehehe..) Pinag kasya talaga namin ang 7 tao sa isang tricycle (nauna nang umuwi si nana) ayos lang hindi naman kami taga dun. Walang makakakilala.....hahahaha...
Tamang gala ulit. Ahhhh....hindi na kami nakapag zipline. Ubos na pera eh. At walang na rin picture taking (lowbattery). Bumili na lang kami ng souvenirs.

Uwian na!!!!!

Mamimiss ko to!!!! (^,^)....

2 comments:

Erine said...

Lab2!!! Super detailed naman nito! Feel ko ulit mag-isaw one time sa Tanauan. hehehe.. see you again sa susunod nating trip!! :D

yoomie said...

ako na umiiyak habang binabasa toh...T_T