Wednesday, September 15, 2010

Hi there! Am I speaking to the lady/man of the house?

This is my every day's opening line.

I'm in a call center industry.
.. conducting a quick consumer questionnaire.

August 17, 2010, nag simula ako as a trainee sa isang call center company.

Papasok ako ng 3am sa work. Pagkatapos kong mag log in, pupunta na ako sa station ko. Hayyy.... mag sisimula na muli ang paulit-ulit na pangungulit ko sa mga Canadian.

Mga lines, bago pa sumapit ang first question!


1ST HOUR
Answering machine...(
halos lahat!!!)
No, I don't want to do this! (edi wag! hindi rin nman makapag rebutt at ibinaba na!)
Unless you pay me, I will give up some information. (Ang damot naman! 1 minute nga lang eh!!!)
I'm not interested in anything you do. (What?!!!!)
No, thanks and please take me off your list. (but....thugs!!!)
Thanks, I don't want to participate. (Whould you mind helping me out!) No, I don't like! (thugs! ang sakit sa tenga huh...)
I don't do surveys on the phone. Send it to my mail. (I don't know your email address...would you give it to me?hehehe....)
This is harassment!!! (What?!!!! Do not call ka na!!!)


2ND HOUR
No thanks, Im not interested
(Na naman?! Wala pa akong nasasabi eh.)
Your breaking up, your breaking up! (Pangit ang connection! Sayang mabait pa naman! Wala pa akong survey!!!!!!!)
No your not. Goodbye!!! (Itatanong ko pa kung asan yung man of the house eh....)
I don't have time right now! (Just 1 minute??)
I'm watching a tennis ball!! (Hindi natinag sa panonood!!!)
Faxtone....(ahh.. grabe ang sakit sa tenga!)


3RD HOUR
I don't give information over the phone.
(Hindi maisahan eh..)
Faxtone..........
No, I'm not gonna do it!!
(But,.........THUGS!!)
Yah, but I don't want to talk to you. (anla, alam na kung sino kami!)
I'm busy right now.. (ahh..thugs!!! hindi ko naman ma practice ang rebutt ko eh!!)


4TH HOUR
I don't wish to participate. Thank you, bye.
(But why??? )
I'm really not interested. Thank you! (I'm not saying anything yet! Why are you not interested? hehehe.. ibinaba na!!!)
(Na survey na, name nalang)My wife's name only! (aanhin ko nman yun? ikaw naman ininterview ko?!!! hellooo????)
I don't want to give that information (husband job.....Tsk,, na Survey not Complete pa!!)
I'm sorry I'm watching football and I'm not interested!
No, thank you!
Where are you calling from?
(Patay, pag nalaman sa Philippines hdi n to sasagot!)
No thanks. (Wag na kayo mag thank you. Kakaasar lang!)


5TH HOUR
Please don't call me again!!!
(Well, I would like too. hehehehe...)
Get lost! (Asar na samin!! hehehe...)
Can you please take us off your list!Would you do that? (hmf.. FINE!!!!)
I'm in the middle of suffer. (oh, ok! Im sorry!)
I'm just on way out. (Would you mind helping me first?!!! hehe,, ang makapal!)


6TH HOUR
I don't think I have time to talk to you right now. (oh, waittttt....thug!!!)
Your connection is bad. (huh? again??!!)
Why you keep calling here?! I dont want to talk to you! (Just answer the questionnaire!)
bye.. bye.. (Hihdi pa ako nag kakapag-hello eh...)


7TH HOUR
Do I sound like a man to you? (Oh, I'm sorry!)
I told you yesterday don't call here again!! So now, quit calling here! (Would you mind helping me out this time??) NO!
You know.. I rather not (but....)
We don't want to answer any questionnaire.
Hold on, 1 sec....................................... (wala na........di na ako binalikan........)
Yeah, and Im not interested..
....(helloooo?????....... Is anybody there?? hehehehe....)
I'm on the do not call list!!!!


8TH HOUR
You guys already call me 3 times today. (Don't worry, it will be the same tomorrow! hehehe...)
Stop calling me! THUGS! (ouch.......)
You know, its 20 past 9 already, and you shouldn't call this late. (Tama.. sorry naextend na naman kami eh...)
I don't feel like answering a questionnaire tonight. (How about tomorrow?)
Yes you were.. good bye!
Oh, your phoning late.
No and she's not coming back!! (Anla...)
I will file a complain if you call here again.. (Fine.. Fine..)
What do you want to know? (Oh, nothing too personal!)
What part of "do not call here again", you don't understand? huh?
I don't want to answer a questionnaire from a company whose name doesn't stand for anything!
(May point!!!! )


Konti pa lang yan!!! hehe,, may mga araw na nakakatuwa na makipag pilitan sa kanila. Pero nun nagtagal nagsawa na ako. Hmf....hindi talaga swak sakin ang ganito eh!!!

kaya........

September 24, 2010 nagresign ako. Pakiramdam ko hindi talaga para sakin ang trabaho to'. 1 buwan lang ako nakatagal!! hehehe... Pero maganda naman yung na acquire kong experience!! Kung hindi lang dahil nakakatuwa ang working environment dun, sa simula pa lang umalis na ako!


SPT, THANK YOU!!
......................................................

"No, I don't consider myself as a loser. I did not give up on my fight; this is not my war. I just quit on something I felt I had to do but did not want to!"



Saturday, July 17, 2010

Diretso lang!

Hindi ko masasabi na sanay ako sa hirap ng buhay. Hindi ko rin masasabi na lumaki akong maginhawa. Sakto lng. Matapos kong mag tapos sa sintang paaralan, marami akong naiisip ng mga pangarap. Marami akong nakikitang pag-asa. Ngunit ng simulan ko na ang paghahanap ng mapagkakakitaan, unti-unti ko rin na kita ang katotohan! Na ang pangarap ay pwedeng pangarap lng talaga. Na ang pag-asa, ay nakalubog sa kumunoy na mahirap makuha. Sa tuwing sinusubukan ko umabante, marami ang humigit sakin pabalik. Mga kakulangan na ngayon ko lng nakita at na pukaw. Ngayon hindi ko alam kung pano pupunan ang mga yun. Maraming bumabagabag, maraming mga bagay na sa palagay ko ay humaharang.

Isang pakiramdam ko ang laging bumabalik sakin. Ayokong kaawaan. Gusto ko patunayan ang sarili ko. Ito ang nagpapanatili sakin. Pero sapat na to??? Tingin ko hindi. Hindi sapat yan. Ano pa ang kulang? May makakapag sabi ba sakin?

Umalis ako sa bahay na kinalakihan ko. Dumalaw sa malayo, hindi alam kung hangang kelan. Nag hahanap ng bagong pag-asa na hdi nakalubog sa kumunoy. Sana may makita. Umaaasa.

Pero kahit anong mangyari, kung ano man ang kalabasan ng pag hahanap kong ito. Isa lng ang rutang tatahakin ko. Diretso lng hanggang sa masalubong at mabangga ko ang hinahanap ko.

--------------------- -------------------- ------------------- ------------------ -----------


Saturday, May 15, 2010

Dito po sa aking...pagtatapos

APUNTAR...FUEGO!!!

BANG!!!!

Bumagsak. Patay. Wala nang buhay. Ang pagtatapos ng buhay estudyante ng mga 4th year students sa sintang paaralaan.

MAy 7, 2010

Umaga ang graduation namin. Umaga, 7 am dapat andun na. Matapos kong masanay na gumising ng late?! Lagot, pahirapan na naman sa paggising.(tsk...tsk...) Eh, hindi pa naman ako nakatulog agad nun gabi! Excited kasi. (hehehehe..) Ayun, late ako! Este, "akala ko" late ako. naabutan ko pa yung mga classmate ko na nagpipicture taking!! (Yes, buti umabot p! hehe..)

Bago ko pa isuot ang toga ko, maglagay ng corsage, ngumiti muna ako sa harap ng camera. (smile..click..) Habang busy na busy kami sa pag capture ng moments, hindi namin napansin ang pagdating ng isang kontrabida! Si Tandang Milrong!!!!

Tandang Milrong: BSIOP 4-1!! Ano pa ga iyan? Tama na yan. Pumila na kayo dun sa taas.
Agad naman naming sinunod. (Ang bati namin.) Umaakyat kami ng 4th floor. Grabe, ang taas, nakaheels pa naman ako.

Tandang Milrong: Eh talaga naman. Ga-graduate na at lahat, mga pasaway pa rin kayo.

HAbang umaakyat, sa sobrang init, kahit hindi kami magkakalapit pakiramdam ko nagsisiksikan kami.

Akyat.. Akyat...Akyat...4th floor..sa wakas..

Kwentuhan.. tawanan.. picture taking...
Kwentuhan.. reklamo.. picture taking...
Paypay dito.... punas ng panyo.....
Mukha nang wasted... picture taking...
retouch.... picture taking!

Sari-saring itsura, sari-sairng ayos! May bongga.. may simple...makapal ang make-up... may wala....oily at pawisan.. may parang hindi naiinitan.. may nakasimangot...nakangiti...may ngarag...meron kayang kinakabahan?? Parang wala akong na pansin.

Student (1st/F): Magsisimula na!
Student (2nd/F): Maglalakad na!
Student (3rd/F): Tara na!
Student (4th/F): Baba na tayo!!
OA? hehehe...

OK, baba na. Aknya-kanyang hanap ng mga kasunod sa pila.
Step one, picture...step two, picture....step three, kita pa ba ako?!
ADIK...

Nasa baba na ulit. Nagkalat ang mga paparazzi!!! (mamaya ang tubos, 50php..hehehe..) HAyyy.. nakainip! Pinagsama kasi sa iasng list ang 3 section ng IOP. Kaya iyon, napapaligiran ako ng mga taong di ko kilala. Hindi pa naman ako maboka.

At dahil napansin nila ang aking kalungkutan...
4-n: Kung gusto mo, sumunod ka nalang dun sa classmate mo(si Cho). Hindi naman nila mapapansin yun. BAlik ka nalang pagtatawagin na ang name natin.
Pre: Ok....(Tamaaaa!!!)
Nag kasundo ang mga pasaway!! hahahaha...

At nakakita p ako ng kapwa pasaway!
Pre: Jec, dito ka nalang para sama-sama tayo!!!
Jec: Wag na!
Pre: Ok lng yun! hindi naman halata. Dito kana.
Umiling si Jec! Ano yun? Nagbago na?! TRAYDOR!!!!!

Naglakad..naglalakad.. at dadaan sa mga swords ng ROTC.
CHANGE HAND!!!

Uy, may paparazzi ulit. Pose. HAyyy.. sa wakas naka upo din. ANgdaan ang mga seremonyas- Doxology, National Anthem, speech. Ang cute ng suot ng mga nagdoctorate! (hehehe..)

Dante G.: Nung kabataan ko, nagtitinda ako ng drayo tuwing umaga para may maibaon lang. Tuwing namang walang pasok, nagtitinda ako ng blah...blah...blah... Ako po ay pumasok sa isang unibersidad bilang isang iskolar blah...blah..blah...CONGRATULATION GRADUATES!!!

Awardings of medals to honor students.
Magna Cum Laude!
Cum Laude! Congrats sa mga classmate ko, sina Moriel, Derek, Joey, Jinky, Glecy, at ate Lea.

Distribution of Diplomas
sari-saring istilo ng pagtawag-may mabagal..may nagmamadali.. at may parang host ng variety show! CUM lauDAe! At habang inaabot ang Diploma, may ipinapakitang powerpoint presentation ng mga graduates. Tsk.. ka adwa.. ok sana kung maganda ako sa grad pic! Nakakahiya tuloy!

Respones from the Graduates
Magna Cum Laude: Blah...blah..blah...blah..
Sa haba ng sinabi nya, wala na akong matandaan!!
Simon C.: Forgettable.

Sa sobrang inip namin sa kanya, ang dami nanaming (Pre, Jec, Cho) side comments sa kanya!!(hehe..bad..) Yan ang epekto ng walang magawa. (hahahaha..)
Cho: Ano ba, ayokong maging mean ngayon!
Jec: Ok lang yun. Ganun din naman ang iba satin. Gantihan lang yan. Hehe..

Pledge of loyalty
I'am, state your name, blah..blah..

PUP Hymn

Graduate na!!!!! Yakapan moments, naiyak ako. Umiyak kasi sila. Nakakahawa yung mood. Pero malungkot naman talaga. Iba na ang buhay na haharapin namin at kahit sabihin pang "Ganon pa rin walang magbabago, keep in touch" may magbabago at magbabago pa rin!

Nakalungkot. Hindi ko na makakasama yung mga taong naging bahagi ng buhay ko sa loob ng 4 na taon!!! (Ang drama ko na...hehehe..)

Hindi ko pa kayang bumitiw. Aminado ako na hindi pa ako handa para sa next stage. (Tinatamad pa nga akong maghanap ng work eh.. hehehe..)Kaya nga di ko feel yung Graduation. Dahil ayoko pa!

Pero wala na akong magagawa.
Move on.

-ADIOS-

Tuesday, May 4, 2010

TIMELESS LIKE NERVERLAND

Years ago I was just a freshman of an state university, and as if a fast-forward button was pushed, I' am now a senior student who will be graduating in a few days. Same feeling again, just like in high school, happiness and distress has once again causing fuss. Though I' am glad that my parents' hard work will be paid off, I' am unhappy to leave behind my fun, careless and easy-go-lucky student life. I' am afraid to handle greater responsibility which I will be forced to embraced after college.

At this point, I want to escape the process of growing up. (seriously!!) If possible, I will go with Peter Pan in Neverland! I want a time freeze! I want to stay in this time zone forever. There will be no pressure. No expectations. No difficulties. Less struggles. Less responsibilities.

I imagine myself flying with Perter Pan and the Lost Boys. Enjoying life without adulthood worries. Being selfish and mean is not a big deal in Neverland (I like that!). Nothing to be feared of, cause you make your own rules(yeah!). Although there is Captain Hook, the epitome of arrogant adults, he is weak and easy to be fooled. (hehehe.. bad..) Hmmf...unfortunately this wish is just unrealistic! A true fairtale, can never be happen. (so sad..)

So I left my fantasy.

After that, one thing I do realize. This is what I believed in. Although we can neither turn back time nor freeze it, the past can always be look back on. Everyone has their own Neverland where we feel joy, happiness and even sorrow as we remember the things we've been gone through.

Too bad for the "childish" me, I have no choice but to remember the past, appreciate the present and welcome the future. Maybe there is nothing to fear in change, after all, it what we needed.

I don't know what lies ahead of us, but I know, It will never be the same again (without you all). With different environment and new priorities and opportunities, here comes the beginning of a new life, new adventures and new struggles!

" To all my friends, as much as we might like to stay close with each other, it is inevitable due to the priorities we might take in. But, for sure, our experiences together will link us all from one another! Definitely we will find new friends and new relationship but remember that the time we spent together is timeless like the Neverland!"


Thank for everything!
I will miss you guys!
Good luck to us!