Sunday, May 10, 2009

FREEZE!!!!!!

PVI CAMP AT MABALACAT, PAMPANGA


WE SPENT 10 DAYS WITH THE SPECIAL CHILDREN!!!

IT WAS A DIFFERENT KIND OF EXPERINCE.

LOT'S OF HARDSHIP, BUT WORTH IT!!
they are my 2 "alaga" hehehehe.... they are street smart.










THERE'S NO TIME TO BE SELFISH...
THERE'S NO PLACE TO BE SNOBISH..
THERE'S A LOT OF THINGS THAT I'VE CHERISH...
IT'S THE GREATEST THING I EVER ACCOMPLISH..

Friday, April 3, 2009

LINES....

"What makes a man, man?!........It is not how he started things but how he chooses to end"
-HELLBOY

"One-half fool, one-half brave!"
-ERAGON

"Life is simple. You choose and you don't turn back!"
-FAST AND FURIOUS, TOKYO DRIFT

"Are sure you chosen the right side?"-wolverine
"Atleast I chooses a side."-storm
-X-MEN

"Love is irrational. The more you loved someone, the less sense anything made."
-BELLA, ECLIPE

"Great power, comes great responsibility"
-SPIDERMAN

"Fate means buliding a bridge of chances to the one you love."
-MY SASSYGIRL

"At my signal, unleash hell."
-GLADIATOR

"My momma always said life was like a box of chocolates…you never know what you're gonna get"-FORREST GUMP

"Oh no, it wasn't the aeroplanes. It was Beauty killed the Beast."
-KINGKONG

Thursday, March 19, 2009

DITO PO SA AMIN.....

Ang Aming mga Haligi



SKUL: PAMBANSANG UNIBERSIDAD NG MGA ISKOLAR NG PIPILINAS(PUP)



KURSO: BALIW SILA KUNG ITURING DAHIL OVER PAGMAMASID(BSIOP)



Sa loob ng 3 taon kong pananatili sa unibersidad na ito, di ko pa rin masabi na marami na akong alam. Bakit? Ahmm.... Di naman ako lakwatsera. Bobo ako?! hindi ahh, pinapasa ko naman ang mga exam kahit minsan may halong teknik ng panunulad! heheheh,,, hindi nakikinig? Hindi isinasapuso ang itinuturo ng prof.? Di tinatandaan? Pwede rin! Pero kung kaw ga naman ang nasa loob ng room kasama sina Tandang Milrong, Celine, at Lola Che ewan ko lang... heheh,,,


Samut-saring eksena kasama ang aming mga pinagpipitagang haligi ng aming kurso!!


TANDANG MILRONG. Unang subject namin sa kanya ay " Mula sa simula hanggang Pagtanda". Masaya syang maging prof. Libang na libang kami sa klase nya kase pag naglelesson siya, may konting halong green jokes pampawala ng antok kung baga. hehehe,, Pero di nagtagal.....


..........


TANDANG MILRONG: Pagsumali kayo, +5 kayong lahat. hehehe,, ayos ba?


ESTUDYANTE1: Nanaman!!! Eh, nun nakaraan ganun din! Wala namang +5!!!!

ESTUDYANTE2: Uo nga, tsk, di naman totoo yan eh... yung mga kakilala lang nya yung may +5!!





T.M.: Magkakaron tayo nag computer,, mag-eexcel sa...blah..blah..


ESTUDYANTE1: Zuz.. drawing nanaman,,,,,,




T.M.: Oh.. Isulat nyo to' importante to'..blah...blah...blah....blah.....


ESTUDYANTE1: Wait lang sir!!( gigil na gigil sa pagsusulat)


T.M.: Blah..blah...blah...blah....blah.....(ang bilis)


ESTUDYANTE1: Sir paulit poh....


T.M.: (hindi inulit)....Blah..blah...blah...blah....blah...


ESTUDYANTE1: PLEASE!!!!!!


T.M.:..Blah..blah...blah...blah....blah...


ESTUDYANTE1:@#$%^&.. AYOKO KO NA NGA!!!


T.M.: Ipazerox nyo to' huh... kasama ito sa exam!!!


ESTUDYANTE1: Grabe ang haba!!! Dinicuss b nia to'?!


ESTUDYANTE2: hindi binasa lang!!! hahahaha.... communication overload!!!



Examination day



ESTUDYANTE1: Ano ba to' sulat na to?! Di ko maintindihan!!


ESTUDYANTE2:..ahhh.. kasama ba to? Kasama pala ito!..May ganun ba?


ESTUDYANTE3: Puro enumertion!!!



After the exam



ESTUDYANTE1: After 5 mins nakalimutan ko na lahat ng minomorize ko!!


ESTUDYANTE2: Dapat kasi inintindi mo para di madaling mag fade!!!


ESTUDYANTE1:Pano ko iintindihai yun! Sa daming yun! Sya nga binasa nya lang eh...





T.M.: Eto ang gagawin ntin sa .... blah...blah... may suggestion ba kyo?!


ESTUDYANTE1: ahh.. Sir kz poh... ano... blah... blah....blah...pwede po? at saka po... (sabay- sabay ang mga estudyante...excited,, hehehehe...)


T.M.: Teka lang. You're not suggesting, you're imposing!!


ESTUDYANTE1: WHAT???!!!





T.M.: Oh kaw ..at saka ikaw kasali kayo sa sayaw mamaya.


ESTUDYANTE1: what mamaya?? (pabulong lang)


ESTUDYANTE2: Hindi naman ako marunong magsayaw bat ako?!! huhu..(mahina lang)


T.M.: hehe,, mukhang may gustong sabihin si Derelito ahh.. sige...tayo'.. sabihin mo!!


ESTUDYANTE1: Eh, kasi Sir di po ako marunong magsayaw .


T.M.: Alam nyo bang prof ang tinatangihan nyo... parang di nyo na akong iginagalang ahhh..(mukhang galit na)


ESTUDYANTE1: Wow, sana di na sya nagtanong.... (bulong lang heheheh)





ESTUDYANTE1: Yung tungkol po sa practicum namin...


T.M.: Saka na muna aaprubahan... matalag pa naman ang school days..


ESTUDYANTE1: ?



after few days...



ESTUDYANTE1: Yung tungkol po sa prcticum namin...


T.M.: Di ko na ma-aaprubahan...sala na sa school days.




T.M.: Madami na tayong affilliation sa labas ng PUP!! Pupuruhin ko kayo ng seminar para maging competative kayo.. Pero dahil 2nd yr. palang kayo, sa 3rd at 4th yr na muna natin ibibigay yon. Pag time nyo na kayo naman!!!



3rd yr na kami..



ESTUDYANTE1: Nasan na yung mga seminar "daw" natin?! Wala naman eh...

ESTUDYANTE2: Meron ah.. Ang dami nga eh, dun sa mga faves nya.. hehehe...

ESTUDYANTE1: Tingnan mo yun, tapoz lahat tayo nagbabayad konti lang nakikinabang!



3rd yr, patapoz na 2nd sem.



ESTUDYANTE1: Whoo... Sa wakas nakaisa rin!!! heheheh..


ESTUDYANTE2: Yes!!!!



Sa pinagtapusan, naka 2 kaming seminar( Stress and anger management at Dementia, Depression, and Mental illness)


CELINE."Filipino habit" ang 1st subject nia samin. Sa unang 3 meetings hindi sya umattend. Di ko na matandaan yung sinabi nyang dahilan, basta ang alam ko, malaking pasanin para samin na 1st yr palang ang pumasok para lang isang subject. Nun araw na pumasok sya, naging masaya naman ang klase kasi lively sya. Hindi nga sya umuupo, sabi nya" gusto ko nakikita ko kyong lahat!". May pagkabookish sya pero ok lang nun. yung mga sumunod na subject nya samin ay masaya, may tanwanan, at di nakakainip! ang problema lang lagi syang late!!hehe,, Nagsimula ang malaking problema sa kanya nun ituro niya yung AHuB! MALI, nun hindi pla nya tinuro!!! heheheheh,,,, 1 buong sem yun!!


CELINE: nagkasakit ako kaya di ako nakapasok!!!


ESTUDYANTE1: talaga!!!



CELINE: Ngayon lang naman ako nagkamali!!! di ba? nun nakaraan ayos naman tayo!!


ESTUDYANTE1: uo nga, kaso kaw b naman ang di magturo ng isang buong sem. Ewan ko lang kung sino ang matutuwa!! Nagkaroon nga ng open forum, magkakaroon daw ng seminar tapos di natuloy kasi may sakit daw yung speaker. Tapos nun ala na!! Pinabayaan na!!!



ESTUDYANTE1: Naku si maam lang ang subect natin tuwing tuesday?!


ESTUDYANTE2: Pano yan?! di natin malaman alam kung dating ba sya o hindi!! tsk, tsk,,,



CELINE:Bakit di kayo handa?!


ESTUDYANTE1: Kasi ang alam po namin ay 2 groups lang poh per day.


CELINE: Class, may sinabi b aokng ganun?! di ba maximum of 3 groups per day?! Aba, class baka di nyo alam konti nalang ang meeting natin finals na!!


(ok fine kasalanan namin...di kami handa) the next meeting.


ESTUDYANTE1: Asan na ba si maam? Late na naman?!


ESTUDYANTE2: Hay ganito na naman. sabi nya konting meeting nalang, malapit na finals, tapos ganito naman lagi. Tsk,tsk,tsk,



ESTUDYANTE1: hey, miss president papasok ba si maam?!


ESTUDYANTE2: Ewan ko. Tinxt ko sya kaso di naman nag rereplay...


Few mins. before the end of her class


ESTUDYANTE1: Andyan na si maam!!! ( nagpasukan lahat)



1 hour late si maam


CELINE:Ang tagal kong wala di pa kayo nakapag basa?! may test kayo ngayon!!!


ESTUDYANTE1: hay!!(di nagpapanic)


ESTUDYANTE2: fine! (wala nang gana) nakaisip na naman ng paraan para di makapgturo...



CELINE: 3-1!!! galit na galit ako sa inyo ako sa inyo!! Nun friday pa..nun saturday pa.. nakakains kyo!!!


ESTUDYANTE1: Ano nanaman kayang problema nito?!


CELINE: May 1 dyan. Tnxt ko di nagrereplay. Tinawagan ko di sumasagot!! Alam nyo ba ang pakiramdam ko?? Sya lang ang contact ko?? Di ko malaman kung nakaalis ba ga kyo o hindi pa!! Alam nyo ba yung pakiramdam ko? Sabi ni sir kasama daw ako!! Kaya kinuha ko # nia!!! Sya lang ang contact ko!!!


(at nag nagpaliwanagan silang 2 sa loob ng klase, nag deny, nag paliwanag, naglabas ng sama ng loob at kung ano ano pa...)


CELINE: Kinausap ko sya sa klase dahil ayokong maging bias sa inyo. 3-1!!!


ESTUDYANTE:ANO?!


CELINE: Mga "passers" pa naman kyo!!! Ganyan kayo umasta!! Di na ako kukuha ng subject sa inyo.(walk-out)


ESTUDYANTE1: K, lang...heheheh,,,


after few days


CELINE: Yung sinabi ko dati, alam nyo naman kung sino talaga yung tinutukoy ko..


ESTUDYANTE1: opo........buong 3-1!!!(samin samin lang)


LOLA CHE. Nun 1st yr kami sya ang pinakakontrabida...30 mins late... 3o mins magbibida... 30 mins na discussion...paulit-ulit pa yun...hehehehe... madami akong classmate na umiyak dahil sa kanya!!! Napaparinig kasi sya sa loob ng klase kapag ayaw nya sa 1 estudyate... pero ewan nga ba namin kung bakit nag-iba na ang lahat. Sa nagyon sya ang pinakapinahahalagahan naming guro. hehehe.. sa paningin namin sya ang pinaka approachable at mabait!!! mas naappreciate namin sya.. heheheh,,, kahit matanda na sya, nag-aaral pa rin sya, at ang ang talas ng memory nya mas mataas pa samin!hehehe.. Tuwing umaga nagsisimba sya bago pumasok sa 7:30 class nya...at mas nalalate pa kami ngayon kesa sa kanya. Kung magbigay sya ng test, garbe ang hirap. Di ka makakatulad sa katabi mo kasi kahit sya hirap nahirap din. Ang nakaktuwa pa kay maam mahilig sya sa may colorful presentation at yung mag mukhang pinaghandaan talaga. Mas nag-eenjoy na kami sa klase nya. Natututo talaga kami..heheheh... hindi agad nadedecay.Isang malaking kawalan sa society kung aalis na sya! wag muna please..


Ilan sa mga linya ni lolo Che..

"Alam nyo ba na ang psychology ang the most promising and dynamic course"

"Dapat lagi kayong aktibo, bibo, listo!!"

"Yung nakaraang psych students ang gagaling talaga!"

"Feel good, think good, do good!"

" Ay, di ako nagtsitsismis..May koneksyon to sa mga pinag-aaralan natin!"

"Bago mag-asawa dapat financially and emotionally prepared kyo."

"Dapat lagi nyong ineexsercise ang mga neuron cells nyo para di agad nagdedecay."

"hay,,,alam nyo ba bakas na yung exam ko!! Ang dami kong pinag-aaralan. Wish me luck!"

"Ang leader, dapat performing at yung mag members naman di dapat laging nakatunganga sa leader!"

"Hay, bakit nga ba ang may foreigner kagagaling!!!"

"humanap kayo ng the most scholarly book at yung pinaka latest!"

"Pumunta kyo sa UST. Malulunod kyo sa dami ng book! heheh,,,"

"May nakatolo na sa UST!! Manila Doctors college!! hehehe... latest na latest ang book 2008 eh.."

" ay,, kaganda naman ng topic na ito!"

"Very good ang group with complete attendance!"

"Nakakstress kapag lagi tayong late, di ba?!"

" Gayahin nyo ang ating mga business magnates natin! Sina Lucio Tan..blah..blah...!"

" Mga bata dapat may diskarte kyo sa buhay!"

Sabi ng isa kong classmate " Ang respeto hindi ini-impose, gini-gain yan!" pwede tong mawala oras na nagkamali ka, pero ang mahalaga ay matutunan mong patunayan ang sarili mo. At hindi ko naman isinulat to' bilang pambabastos sa mga professor ko. Andito to' para ipakita kung ano ang nakikita namin na maaaring di nila napapasin. Gawa ito mula sa point of view ng isang estudyante na mayroon sariling opinyon..Kanya-kanya lang naman yan eh diba?hehehhe..


Good luck sakin!!!hahahha,,,

Monday, February 2, 2009

valentines day

(GAWA-GAWANG HISTORY!!!!)


Ang kamanghamanghang Clever lou land ay lugar kung saan ang araw ay di lumulubog at ang moon ay 10x bigger than the sun. Kung saan gumagabi kapag tinatakluban ng buwan ang araw. At kung saan di mahalaga ang panlabas na kanyuan kundi ang kagandahan ng iyong puso. Dito magaganap ang isang istoria na makabagbagdamdamin. Isang mahalagang parte ng kasaysayan na hindi naitala sa anumang History books. Ito ay ang origin ng "valentines day".

tantaran....tantararan....


Sa lugar na ito ang heart ay hindi talaga parte ng katawan ng tao. Hindi ito kasali sa internal organs na pinoprotektahan ng ribs. At lalong hindi ito kailangan ng blood para maipump. Ang totoo, ang parte kung saan nakapuwesto ang puso natin ay butas na bahagi ng kanilang katawan. Ito ay tinatakluban ng isang highclss transparent crystal sa likod at sa harap. Dito inilalagay ang puso....amazing?!.. hidi lang yun! Pwedeng tanggalin ang puso at ipalinis, pakinisin, lagyan ng design, iupgrade at pagandahin sa isang shop na kung tawagin ay "heart center". In oder words, wala talagang silbi sa katawan nila ang puso. Sa Clever Lou Land ang puso ang sukatan ng Power, Influence, Wealth and Prestige. Lahat ng ibinibigay ng pera sa atin ay ibinibigay ng heart nila. kaya nga gumagastos ang bawat lou-lou dito ng malaki para lang gumanda ang puso nila.


Kapag may wedding, kinukuha ng pari ang puso ng bride at groom para ipagcombine. Ito ay lalaki at magiging violet. Ilalagay nila ito sa frame at idi-display sa bahay. Bibigyan sila ng pari ng artificial heart na violet din. Ang walang asawa na girl ay may pink na heart at blue naman sa mga lalaki.

OK!!! Simulan na natin ang istoria. Masyado nang mahaba ang intro. Ang bida dito ay si Valen. Siya ay isng binata na lubos na iginagalang dahil sakakaibang kinang ng kanyang puso kapag nasisinagan ng araw. One day, habang naglalakad siya pauwi, nakita niya si Kokora. Ang girl na ito ay sikat na sikat dahil sa angking kapangitan ng kanyang puso. Walang takip ang harapan na bahagi ng lalagyanan ng kanyang puso, kaya lagi itong nalalaglag at napuno na ng gasgas. Wala siyang pera para ipagawa iyon.

Lihim na sinundan ni Valen si Kokora. Sa daan, pinandidirihan si kokora ng taong bayan at binabato siya ng mga bata. Samantalang si Valen ay puro papuri at paghanga ang tinatanggap. Mabilis na naglakad si Kokora hanggang makarating sa dulo ng city. Wala nang masaydong Lou-lou. Sa daan nakita ni Kokora si Tandang Temyong na hinimatay. Inakay niya ang matanda, dinala sa ilalalim ng puno at pinainom ng tubig. Nang OK na, sinabi ni tandang Temyong na pagpapalain si Kokora.

Then sa paglalakad niyang muli ay nakita niya si Bobyakin na walang tigil sa pag-iyak. Nilipad pala yung lobo niya at sumabit sa puno. Kunuha ito ni Kokora at ibinigay sa bata.

"Ahhh... Ang pangit ng puso mo! Ayoko sayo!!", tumakbo pa layo si Bobyakin.
Nalungkot si Kokora at umiyak.

Nag pakita si Valen, then he said, " wag ka nang umiyak!".

Nashock si Kokora. Sa kanilang conversation, sinbi ni Valen na...

"Maaaring pinagtatawanan ka nila dahil sayong puso, but di nila nakikita ang kagandahan ng kalooban mo! At yun ang nakita ko sayo...And think I'm falling for you!"

"Nalilito ka lang! Di mo alam ang sinasabi mo!" "I know what I'm saying" "Totoo?!!!" "Yes!!" "Kung ganun I love you too!" Nag-embrace sila. At mula nun palagi na silang nagkikita!!!!


.............................


"NO TO KOKORA!!!".... "NO TO KOKORA!!!!"

Ito ang isinisigaw ng mga Lou-lou, dahil si Valen ang next na pinuno nila, at hindi sila papayag na si Kokora na isang Lou-lou na nagmamay-ari ng pangit na puso ang magiging wife ni Valen! Isa itong paglapastangan sa mga maharlika!!!!!

Inutusan ng mga magulang ni Valen si Rambas na dalhin si Kokora sa Tore of Sheshela na nasa dulo ng nasa dulo ng Clever Lou Land. Pero kahit nagkaganun, hindi pa rin sumuko si Valen!!!! Sinuway niya ang kanyang parents, friends, counsins, relatives and neighbors para sundan si Kokora. Sa kanyang quest, pumunta siya sa Forest of Wuli. Kailangan niyang akyatin ang pinakamataas na puno para malaman ang dereksyon ng tore. Nginit ang mga puno dito ay malapit nang maubos dahil kinakain ito ng mga higanteng uod. Buti nalang mabilis siyang nakaakyat at nakita niya ang tore na Sheshela sa north, bago pa man makain ito.


Sunod niyang pinuntahan ang Lake of Dandara. Maraming mga syokoy roon pero dahil sa kanyang katapangan, nalagpasan niya ang mga yun. Tinawid niya ang pinaka matarik na tulay. Sa mahabang panahon ng kanyang paglalakbay, finally nakarating din siya sa tore of Sheshela!!!
But.....Before siya makaakyat kailangan niya munang talunin si Rambas!! Dahil si Valen ay fast, fearless and furious natalo niya si Rambas at nailigtas si Kokora.

"Baka magalit sayo ang mga Lou-lou dahil iniligtas mo ako!"

"Wala akong pake! I always say, that I will protect you."

Sinubukan nilang makalayo. Pero nahuli sila ni Heneral Gali. Ibilalik sila sa sentro ng Clever Lou Land. Para mailayo kay Kokora, Ikinulng si Valen sa pinakamataas na bahagi ng castle. Samantalang hinatulan ng bitay si Kokora sa kaso ng pagsaway sa "public demand"


Sa araw ng pagbitay kay Kokora, lumidol ng malakas halos intensity 9!!! Nagkaron ng isang malaking tsunami!!! Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi na naka-react ang mga Lou-lou at lahat sila ay namatay!!! But wait... may buhay pa pala....si VALEN!!! Labis siyang nalungkot sa sinapit ng mag Lou-lou, lalo na ng kanyang beloved na si Kokora!


Pinuntahan niya sa kuweba si Great wizard Loco. Hiniling niya na ibalik ang buhay ng mga Lou-lou bilang kapalit ay ibibigay niya ang puso niya!! Dahil sa labis na pagod, namatay si Valen. Nang nabuhay ang mga Lou-lou, wala na ang butas nila sa katawan at ang heart na ang nagpa-pump na blood nila.

Sinabi ni Great Wizard Loco ang ginawang sakripisyo ni Valen. Humingi ng tawad ang mga Lou-lou kay Kokora. Pinatawad naman sila at bilang pagkilala sa ginawa ni Valen, ang araw ng pagkabuhay nila ay tinawag nila "Valen's Heart Day" !!!!

Di nagtagal, dahil sa pagsasalin-salin ito ay naging...

"VALENTINES DAY"

THE END

Sunday, December 21, 2008

PARTY, PARTY, PARTY!!!!!!




Ang saya mag party!!!!!
kala q nga maging boring kz sa bahay lng yung venue... wala man lang magalaan...

But, naging happy kming lahat... hahahah......






Hay, dahil sa mabilis akong tumakbo at magaling akong tumakas, di nila ako na pahidan ng chocolate....




whahahaha,,,,, may isang naklusot at pinahidan ako, pero pingbigyan ko lng cia... hehehehe......







Cho!!!!! Thank you sa gift mo!!!!!
I love it!!!!! Buti nlng hindi color pencils kasi meron na aq nun....
Tnx tlga...

hehehehehe...
kung hinhanap nio aq sa pics andun aq sa tabi.... muntik nang maharangan ni dah.... hahahahah......



at hdi lang nman kmi ang nag enjoy. Meron din nmang magugulo na mga bata. Ang kukulit nila.... nakalimutan q na ang mga names nila.....hehehehhe.....





Hindi aq nkapag upload ng mga pics ng food... sayang.....


party,party, party!!!!!
MERRY CHRISTMAS!!!!!

Sunday, December 14, 2008

Unlocking the Chain

Amanda's golden coat, beneath are dirty clothes, dirty shoes and a hidden face in a painted mask.
Carrying the malevolent eyes of those who don't understand while walking in the uneven street of her past.
Crying with blood but standing with pride, holding on her right hand the cane of fear and doubt.
Eager to see her way out of the King's tunnel lighted by the torch of hateful and distrust.
"Pardon?! Who needs pardon?! Not me! Not me, not me..." others are impress by her bravity; others pity her for her insanity.
Thinking of what she had done wrong or rather what she had done that others thought was wrong.
All she wanted is to love and to be love, "Is that wrong?! No. Did I steal? No. Did I murdered someone? No."
"Norms. Let me go of this chain of norms. I'm begging you. I may have been break the standards and rules that you imposed. I may have been divert my way differ from what you desire. But, what I feel is inevitable and uncontrollable. I'm longing for your sympathetic heart and I wish for your open mind."
"Confuse!", people shouting, hoping Amanda will drop her sincerity. But she smiled as her beloved approach her "I' always mesmirize by your smile, Cynthia"
Evil is what society see, "We're sinners," Cynthia whispered as she passionately kiss Amanda "as they were." The villagers open they're umbrella of shame as rain touches the raw land that crack in disgust.
They are looking for the key...

Thursday, November 27, 2008

litannia

bakit sya ganun?
bakit di nya alam?
bakit pa kailangang malaman ang isang bagay na di mo na sana gugustuhing malaman?
bakit ako madaling madala?
bakit laging mainit ang ulo nila?
bakit....
bakit mo gustong malaman ang iniisip ng iba?
bakit nagiging pabaya ang isng tao?bakit ko kailangang mainis sa isang mababaw na dahilan?
bakit nakakainis ang tanong na bakit?
Ang tao nabubuhay sa isang mundong di perpekto. Kaya nga ganun din tayo eh. Masarap maging masaya kapag alam mo kung pano maging malungkot. Pero gugustuhin mo pa bang malaman yun kung lagi ka namang iiyak???? Pinatatakbo tayo ng isang batas at ito ay ang iregularidad. Nakakainis kapag di sumusunod ang lahat sa ayos na gusto mo. Maiinis ka sa kanila. maiinis ka sa kanya. Maiinis ka sa lahat at maiinis ka sa sarili mo. Ang araw na to, nakakainis din!!! Ang araw na to, puro negativity ang dala!!!! Hanggang sa bahay sinundan ako! Mababaw... Mababaw ang dahilan! Pero para sakin kapalit nito ang buong pagkatao ko na akala ko malinis, marumi pala!!! Nawala sakin ang isang bagay na pinhahalagahan ko. Tama. Mahalaga sakin pero madalas kong binabalewala. Mahalaga pero di ko naaalala. Mahalaga pero di ko tinitingnan. Mahalaga pero parng hindi. Ganun ba talaga ako? Pabaya sa mga bagay na pihahalagahan ko. Di man lang ako......... Ganun na nga ako siguro dati. At ngayon ko lang napansin ang malaking kawalan.... ang malaking pakakamali. Dati pa. Ganun rin kaya sa hinaharap? Ayoko... pero... Baka gumising na lang ako wala nang may gistong lumapit sakin.....

magulo ang utak ko ngayon....
kaya nga parang walang pinatutunguhan ang sinsabi ko....
basto ibaon nalang sa limot ang araw na to..
nov. 27, 2008