Monday, February 2, 2009

valentines day

(GAWA-GAWANG HISTORY!!!!)


Ang kamanghamanghang Clever lou land ay lugar kung saan ang araw ay di lumulubog at ang moon ay 10x bigger than the sun. Kung saan gumagabi kapag tinatakluban ng buwan ang araw. At kung saan di mahalaga ang panlabas na kanyuan kundi ang kagandahan ng iyong puso. Dito magaganap ang isang istoria na makabagbagdamdamin. Isang mahalagang parte ng kasaysayan na hindi naitala sa anumang History books. Ito ay ang origin ng "valentines day".

tantaran....tantararan....


Sa lugar na ito ang heart ay hindi talaga parte ng katawan ng tao. Hindi ito kasali sa internal organs na pinoprotektahan ng ribs. At lalong hindi ito kailangan ng blood para maipump. Ang totoo, ang parte kung saan nakapuwesto ang puso natin ay butas na bahagi ng kanilang katawan. Ito ay tinatakluban ng isang highclss transparent crystal sa likod at sa harap. Dito inilalagay ang puso....amazing?!.. hidi lang yun! Pwedeng tanggalin ang puso at ipalinis, pakinisin, lagyan ng design, iupgrade at pagandahin sa isang shop na kung tawagin ay "heart center". In oder words, wala talagang silbi sa katawan nila ang puso. Sa Clever Lou Land ang puso ang sukatan ng Power, Influence, Wealth and Prestige. Lahat ng ibinibigay ng pera sa atin ay ibinibigay ng heart nila. kaya nga gumagastos ang bawat lou-lou dito ng malaki para lang gumanda ang puso nila.


Kapag may wedding, kinukuha ng pari ang puso ng bride at groom para ipagcombine. Ito ay lalaki at magiging violet. Ilalagay nila ito sa frame at idi-display sa bahay. Bibigyan sila ng pari ng artificial heart na violet din. Ang walang asawa na girl ay may pink na heart at blue naman sa mga lalaki.

OK!!! Simulan na natin ang istoria. Masyado nang mahaba ang intro. Ang bida dito ay si Valen. Siya ay isng binata na lubos na iginagalang dahil sakakaibang kinang ng kanyang puso kapag nasisinagan ng araw. One day, habang naglalakad siya pauwi, nakita niya si Kokora. Ang girl na ito ay sikat na sikat dahil sa angking kapangitan ng kanyang puso. Walang takip ang harapan na bahagi ng lalagyanan ng kanyang puso, kaya lagi itong nalalaglag at napuno na ng gasgas. Wala siyang pera para ipagawa iyon.

Lihim na sinundan ni Valen si Kokora. Sa daan, pinandidirihan si kokora ng taong bayan at binabato siya ng mga bata. Samantalang si Valen ay puro papuri at paghanga ang tinatanggap. Mabilis na naglakad si Kokora hanggang makarating sa dulo ng city. Wala nang masaydong Lou-lou. Sa daan nakita ni Kokora si Tandang Temyong na hinimatay. Inakay niya ang matanda, dinala sa ilalalim ng puno at pinainom ng tubig. Nang OK na, sinabi ni tandang Temyong na pagpapalain si Kokora.

Then sa paglalakad niyang muli ay nakita niya si Bobyakin na walang tigil sa pag-iyak. Nilipad pala yung lobo niya at sumabit sa puno. Kunuha ito ni Kokora at ibinigay sa bata.

"Ahhh... Ang pangit ng puso mo! Ayoko sayo!!", tumakbo pa layo si Bobyakin.
Nalungkot si Kokora at umiyak.

Nag pakita si Valen, then he said, " wag ka nang umiyak!".

Nashock si Kokora. Sa kanilang conversation, sinbi ni Valen na...

"Maaaring pinagtatawanan ka nila dahil sayong puso, but di nila nakikita ang kagandahan ng kalooban mo! At yun ang nakita ko sayo...And think I'm falling for you!"

"Nalilito ka lang! Di mo alam ang sinasabi mo!" "I know what I'm saying" "Totoo?!!!" "Yes!!" "Kung ganun I love you too!" Nag-embrace sila. At mula nun palagi na silang nagkikita!!!!


.............................


"NO TO KOKORA!!!".... "NO TO KOKORA!!!!"

Ito ang isinisigaw ng mga Lou-lou, dahil si Valen ang next na pinuno nila, at hindi sila papayag na si Kokora na isang Lou-lou na nagmamay-ari ng pangit na puso ang magiging wife ni Valen! Isa itong paglapastangan sa mga maharlika!!!!!

Inutusan ng mga magulang ni Valen si Rambas na dalhin si Kokora sa Tore of Sheshela na nasa dulo ng nasa dulo ng Clever Lou Land. Pero kahit nagkaganun, hindi pa rin sumuko si Valen!!!! Sinuway niya ang kanyang parents, friends, counsins, relatives and neighbors para sundan si Kokora. Sa kanyang quest, pumunta siya sa Forest of Wuli. Kailangan niyang akyatin ang pinakamataas na puno para malaman ang dereksyon ng tore. Nginit ang mga puno dito ay malapit nang maubos dahil kinakain ito ng mga higanteng uod. Buti nalang mabilis siyang nakaakyat at nakita niya ang tore na Sheshela sa north, bago pa man makain ito.


Sunod niyang pinuntahan ang Lake of Dandara. Maraming mga syokoy roon pero dahil sa kanyang katapangan, nalagpasan niya ang mga yun. Tinawid niya ang pinaka matarik na tulay. Sa mahabang panahon ng kanyang paglalakbay, finally nakarating din siya sa tore of Sheshela!!!
But.....Before siya makaakyat kailangan niya munang talunin si Rambas!! Dahil si Valen ay fast, fearless and furious natalo niya si Rambas at nailigtas si Kokora.

"Baka magalit sayo ang mga Lou-lou dahil iniligtas mo ako!"

"Wala akong pake! I always say, that I will protect you."

Sinubukan nilang makalayo. Pero nahuli sila ni Heneral Gali. Ibilalik sila sa sentro ng Clever Lou Land. Para mailayo kay Kokora, Ikinulng si Valen sa pinakamataas na bahagi ng castle. Samantalang hinatulan ng bitay si Kokora sa kaso ng pagsaway sa "public demand"


Sa araw ng pagbitay kay Kokora, lumidol ng malakas halos intensity 9!!! Nagkaron ng isang malaking tsunami!!! Dahil sa bilis ng mga pangyayari, hindi na naka-react ang mga Lou-lou at lahat sila ay namatay!!! But wait... may buhay pa pala....si VALEN!!! Labis siyang nalungkot sa sinapit ng mag Lou-lou, lalo na ng kanyang beloved na si Kokora!


Pinuntahan niya sa kuweba si Great wizard Loco. Hiniling niya na ibalik ang buhay ng mga Lou-lou bilang kapalit ay ibibigay niya ang puso niya!! Dahil sa labis na pagod, namatay si Valen. Nang nabuhay ang mga Lou-lou, wala na ang butas nila sa katawan at ang heart na ang nagpa-pump na blood nila.

Sinabi ni Great Wizard Loco ang ginawang sakripisyo ni Valen. Humingi ng tawad ang mga Lou-lou kay Kokora. Pinatawad naman sila at bilang pagkilala sa ginawa ni Valen, ang araw ng pagkabuhay nila ay tinawag nila "Valen's Heart Day" !!!!

Di nagtagal, dahil sa pagsasalin-salin ito ay naging...

"VALENTINES DAY"

THE END