Thursday, November 27, 2008

litannia

bakit sya ganun?
bakit di nya alam?
bakit pa kailangang malaman ang isang bagay na di mo na sana gugustuhing malaman?
bakit ako madaling madala?
bakit laging mainit ang ulo nila?
bakit....
bakit mo gustong malaman ang iniisip ng iba?
bakit nagiging pabaya ang isng tao?bakit ko kailangang mainis sa isang mababaw na dahilan?
bakit nakakainis ang tanong na bakit?
Ang tao nabubuhay sa isang mundong di perpekto. Kaya nga ganun din tayo eh. Masarap maging masaya kapag alam mo kung pano maging malungkot. Pero gugustuhin mo pa bang malaman yun kung lagi ka namang iiyak???? Pinatatakbo tayo ng isang batas at ito ay ang iregularidad. Nakakainis kapag di sumusunod ang lahat sa ayos na gusto mo. Maiinis ka sa kanila. maiinis ka sa kanya. Maiinis ka sa lahat at maiinis ka sa sarili mo. Ang araw na to, nakakainis din!!! Ang araw na to, puro negativity ang dala!!!! Hanggang sa bahay sinundan ako! Mababaw... Mababaw ang dahilan! Pero para sakin kapalit nito ang buong pagkatao ko na akala ko malinis, marumi pala!!! Nawala sakin ang isang bagay na pinhahalagahan ko. Tama. Mahalaga sakin pero madalas kong binabalewala. Mahalaga pero di ko naaalala. Mahalaga pero di ko tinitingnan. Mahalaga pero parng hindi. Ganun ba talaga ako? Pabaya sa mga bagay na pihahalagahan ko. Di man lang ako......... Ganun na nga ako siguro dati. At ngayon ko lang napansin ang malaking kawalan.... ang malaking pakakamali. Dati pa. Ganun rin kaya sa hinaharap? Ayoko... pero... Baka gumising na lang ako wala nang may gistong lumapit sakin.....

magulo ang utak ko ngayon....
kaya nga parang walang pinatutunguhan ang sinsabi ko....
basto ibaon nalang sa limot ang araw na to..
nov. 27, 2008

Tuesday, November 25, 2008

Melancholy



I'm numb.
Tried of feeling alone.
I'm drown.
With these emotional burst.

I've seen it, I figured it
And I want to get off of it
The dark room of envy and uncontentment
Such escape means suffering to death

I'm a person of silence
But I hate it when they're soundless
What I feel and think are in the glasses
That as fragile as their sensitivity said

I'm childish? I'm immature?
I'm unnoticeable, unapproachable and misunderstood
Causes to label me as mysterious and obscure
To be undress of these impressions........

Often I'm in the field of lightness
Where I'm jolly, adventurous and a joker
Where I give, share and embrace
Where barriers prohibit intruders

Sometimes I'm visited by the wind of loneliness
Along with the dark knight of sadness
Then, pulled by the gravity of my senses
And fall to the abyss of ache

Once again I'm in the dark room
Suffering....crying....shouting....
Broken....burden....wounded....then
I unveil....the art of surviving

Grief are engrave in every man's heart
To ignore it, will further the cut
To understand it, will bring relief
To accept it, will leave a scar.


Monday, November 3, 2008

why, why, celine

(THIS STORY WAS 200 YEARS AGO. JOKE,, HEHEHEHE,,, MATAGAL NA NGA KASO DAHIL SA UNTI-UNTI NA ITONG NABABAON SA LIMOT, KYA ISUULAT KO NA LANG DITO )

Si celine ay naatasan ni lola Che na turuan ang kanyang mga apo ng tamang pag-aalaga ka "AHuB" na isang labrador. Binigyan lamang siya ng 4 na buwan. Bagamat noon pa man ay nag-aalaga na siya ng mga aso, ito ay maliliit lamang at maaamo. Ngunit kahit may pag-aalinlangan kanya pa rin itong tinanggap sa kadahilanang ito ay atas ng mas nakakataas sa kanya. Ang seryoso naman(,, heheheh,,,,) eto ang kwento.


Nang magkita sina Celine at ang tatlo apo ni lola che, hindi nman itinanggi ni Celine na s'ya ay walang karanasan sa pag-aalaga ng malalaking aso na katulad ni AHuB.

"Tinuranan ba kyo ng paggamint ng busal?" tanong ni Celine
"Hindi po.." sagot ng mga bata
"Ano?! Akala ko pa naman eh, di ko na pro-problemahin yun." sabi ni Celine habang pinag-iisipan na ang gagawin. "Bweno, pano ba yan di rin aq marunong. Magpapaturo muna ako sa tito ko... Sabay-sabay natin to'ng pag-aaralan."

Kinabukasan hindi sinupot ni Celine ang mga bata.
Kinabukasan hindi pa rin sinupot ni Celine ang mga bata.
at kinabukasan....
at mag sumunod na araw...
Kikabahan na ang mga bata!
Nagdududa!

"Sorry kids hindi ako naturuan ng tito ko. Marami raw sayang ginagawa." paliwanag ni Celine "Pero don't worry, kasama ko nman ang kapaid ko.s'ya ang magtuturo sa inyo."

Muling nagkaroon ng pag-asa sa mata ng mga bata. Nag-sample ang kapatid ni Celine ng tamang pag-lalagay ng busal. Ngunit nakagat lamang siya. MALI! Mali ang itinuro niya! muling nawalan ng pag-asa ang mga bata.


Lumipas pa ang mga araw na wala si Celine.
at mga araw pa..
at mga linggo..
nagkaroon ng mga usap-usapan...

"Pano ba yan malapit na'ng dumating si lola, pero wala pa rin tayong alam." pag-aalala ni Jay
"Oo nga eh..Gagamitin pa naman natin yun sa mga sususnod na ipapagawa ni lola" dagdag ni Tricia
"Hay... nasayang lang ang time natin...."

Dumating ang huling linggo ng huling buwan.

"Mga bata, dapat bukas na bukas din ay magawa mo na'ng paliguan si AHuB!" madiing sabi ni Celine

Walang ibang choice ang mga bata kundi sundin s'ya. Kahit pa ang kapalit nito ay ang paulit-ulit silang makagat ni AHuB. At yun na nga ang nangyari. paulit-ulit silang kinagat. Hanggang sa sumuko sila at iprinisenta lang ang nakayanan.

"Malinis na ba yan?! Hindi nio kasi sinunood yung step by step procedure!"
"Kaw kaya ang mapaligo kay AHuB!!! Ngangapa lang kami at walang kaalamalam!!" yun sana ang gusto ni Jay sabihin pero sinarili na lang niya.

Muli ni lang sinubukan. paulit-ulit ni nila sinubukan. Pauli-ulit silang nakagat at nasaktan. trial and error hanggang pumasa sa panlasa ni Celine.

"Ok. pwede na yan!" masayang bati ni Celine

Nalagot ang tali ni AHuB at hinabol si celine. Kinagat siya..... ng pagkalaki-laki.

"Bakit nio naman pinakawalan si AHuB?" mangiyakngiyak na tanong ni Celine. "Ang sakit ng ginawa nio sakin!!"
"Di naman namin sinasadya yon" paliwanag ni Tony
"Di naman namin alam na mahunan yung tali" dagdag ni Tricia
"Kawawa naman ako... tingnan nio ang nangyari sakin" sabi ni Celine habang itunuturo yung malaki niyang sugat .
Tumayo sa kinauupuan si Jay "Eh, pano kami... di nio ba nakikita yung nangyari samin?!!!! "
"Wag na nating pagtalunan yan!!" nangingilid ang luhang sinabi ni Celine. "Bibigyan ko na lang kayo ng madals"
"Pero di naman sapat yon!" sabi ni Tricia
" Ang point eh, wala kaming natutunan!" reklamo ni Tony.
"Bakit di na lang tato manood ng isang dog show! para kahit papaano eh may matutunan tau sa buong maghapon!" suggest ni Jay
"o cige" pagpayag ni Celine

Kinabukasan sinabi ni Celine na di na matutuloy ang lakad nila dahil nagkasakit ang host ng program.

"NEXT TIME NA LANG DAW" malungkot na sinabi ni Tricia
"Wala nang pag-asa. ewan ko lang kung matutuloy pa yan!" pag-kadismaya ni Jay

Dumating si lola Che. Wala siyang reaksyon ng makita niya ang mag medals ng kanyang mga apo. Kung alam niya o hindi ang nangyari walang nakakaalam.

Lumipas pa ang ilang buwan at mukhang nakalimutan na ang nangyari. Walang naibigay na solusyon. At HANGGANG NGAYON AY DI PA TAPOS ANG KWENTO.

ITUTULOY....
(kung kelan? di ko rin alam.)